Chapter 6

48 0 0
                                    

"You like singing?"

I turned to Daniel, smiled at him, and nodded. We exchanged our gazes for a couple more seconds before I turned away. I swear, tinititigan niya ako. Hindi ako assuming!

"Everyone, let's give a round of applause for Ayah!"

Kilig poki qu.

The singer remembered my name! Pero s'yempre, teh, nasa stage ka. Kumanta ka kasama siya. Kaya malamang maaalala niya. Pag-uwi niya wala na 'yan. Pero huhu, sana maalala niya pag finollow ko siya sa IG mamaya.

My gaze searched for my parents. Nang makita sila ay agad akong kumaway at ngumiti nang malaki sa kanila. I gestured an 'I love you' sign to them. Agad nila iyong binalik sa akin.

"Oh, is that sign language?" tanong ni Daniel Jocson sa tabi ko.

"Ah, yes po." kinikilig kong saad. Puta, pogi niya!

"I can see." he smiled and I was shocked when he mimicked my gesture...and he pointed it to me! Gaguuuu! Sadya ba 'yon o nagpapasikat lang siya sa fans?

"What does it mean?" he cluelessly said.

"I love you."

Nakita kong lalong lumawak ang ngiti niya. He waved his hand at me, his smile never disappeared from his face. And that smile left an impression on me.

@dzjocson 82 posts 93k followers 3 following

Follow Message

I immediately hit the follow button while biting my lower lip. Ang sarap ng dried lips ko tapos may halong dugo. Eme, 'wag mo gawin iyon.

Pagka-uwi ko palang sa bahay ay in-istalk ko na agad siya. Grabe, may idol na naman ako. For sure, ii-istan ko ito dahil nakita ko rin namang magaganda ang kanta niya. I found out that he's an actor sa kilalang TV network pero hindi ko siya nakikita dahil hindi naman ako mahilig manuod ng TV. Hindi rin siya nagbibida pero nagbloom ang kaniyang singing career dahil nagviral ang isang kanta niya na para sa Pilipinas. He's part of a band din pala pero nag solo concert lang siya ngayon.

Hindi naman siguro masamang i-tag siya, 'no? Huy, minsan lang ako maka-duet ng artista! Sana magviral ako, eme. Hindi ako puwedeng magviral dahil baka ma-bash agad ako sa mga pinagshe-share ko sa dump ko. Isang araw palang ako nagiging sikat na-call out agad.

I posted our picture on my Instagram account and captioned it,

Thank you for this opportunity po! @dzjocson

Pinagmasdan ko ang litrato namin. He was smiling while looking at me. Nakuha ko ito sa post ng management sa facebook at jusko dai, 5k reacts na 'yung mismong post! Tapos ang daming nagsasabing ang ganda raw ng boses ko at ang ganda ko rin daw. Gandang Palawan, eh. Ganoon talaga.

Patulog na sana ako nang may dalawang bagay na nanggulat sa buong sistema ko.

Dion loves your story.

Dion replied to your story.

Saw this earlier, parang walang hangover haha

Hindi ko inaasahang magrereply siya sa story ko. I uncontrollably bit my lower lip to suppress my fucking smile. My eyes clenched as I felt the rush of emotions running through my veins. Tangina naman, message lang 'yon, Ayah! Why is your heart in a rush?!

I replied after 5 minutes.

Danish Alleia Arzaga

galing nuh

Ni-haha niya lang 'yung message ko. 'Yon na 'yon? Kala ko papunta na sa talking stage. Amp. Edi 'wag. May araw ka rin sa'kin.

Okay, patulog na talaga ako legit. I closed my eyes firmly. I started daydreaming to sleep. But hell, why can't I sleep? Maybe it was my phone. It vibrated so I had to turn it on.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon