She is the star itself.
Meant to be admired by thousands of eyes,
As she sways with the wind on a fairy night sky
It isn't autumn yet, am I right?
But why am I starting to fall?--------
MONDAY, everyone was fussing about the mini pageant on Wednesday. Ako naman, nonchalant lang. Wapakels. Eme. Sa sobrang kaba ko, hindi ko na muna inisip. Ganitong klaseng kaba ang nararamdaman ko tuwing lumalaban ako sa mga pageant. Palagi kong iniiwas ang sarili sa pag-iisip dahil baka mas lalo akong kabahan.
So today, I just feel like a normal student. Mas iniisip ko panga ang gaganaping intrams sa September kesa rito. Miss ko na talagang magvolleyball! Isa pa, mas masaya ako dahil parang ang ganda talaga ng playstyle namin ni Kaira. Noon, magkalaban kaming dalawa dahil magkaiba kami ng section. Mahirap i-block ang mga tira niya, lalo pag ginagamitan niya ng tactics niya. Pero hindi rin naman ako nagpapatalo. I have my own style of setting the ball. Sometimes, when I see a hole, I wouldn't set it but instead, I would pass the ball on the other side where no one was guarding.
Hindi lang naman ako ang gumagawa noon, pero tuwing gano'n ang scenario, sinisiguro kong hindi iyon mahahabol ng kalaban. You wouldn't want to give them a free ball.
"Introduction, talent portion, at rampa lang pala sa stage ang laban, 'no?" ani ng katabi kong si Kaira.
"Mhm. Kaya nga hindi ko na iniisip. Nakapagpractice naman na kami." I shrugged carelessly. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ng carbonara.
"Oh? Nagkakasama pala kayo ni Dion, ah?" she smirked at me, clearly teasing me. Taena! Bakit ko pa sinabi? Ayaw kong inaasar ako kasi baka kiligin ako, eh.
"Minsan lang...kapag kailangan." humina ang boses ko.
"Hala, sina Skyler!" impit niyang sigaw at ayan, namumula na ang gaga. Hindi niya raw crush, ulul 'wag ako.
Nilingon ko ang direksyon na tinitignan niya at walang emosyon akong tumingin doon. I was still eating and the fork was still in my mouth when Skyler and I met gazes. I boredly looked at him but he seemed like he was shocked. Parang tanga, medyo napatalon pa ata siya.
Nginitian niya ako pero hindi ko siya pinansin. Makaramdam ka, ulol!
"So, paano tayo sa volleyball?" I looked back at Kaira. Tumingin din siya sa akin pero muli niyang binalik ang tingin kay Skyler. "Teh, nakatingin siya rito. Ikaw ata tinitignan." she whispered.
"Hayaan mo siyang tanga siya." I said completely unbothered.
"Grabe ka, ang swerte mo nanga 'te...ikaw ata pinaparinggan niyang crush sa Facebook."
Kumunot nang kaunti ang noo ko. Kaya siguro ang lakas magparinig sa Facebook ay dahil hindi naman kami friends. Mabuti nalang talaga in-unfriend ko siya. God, I really hate cheaters. No second chances for them, never!
Nakasalubong ko pa nga si Skyler paglabas ng canteen pero hindi ko na siya napansin dahil nagliwanag ang mukha ko nang makita si Dion sa di kalayuan. He was walking with some of our guy classmates. Huh, nakikipagkaibigan na siya ngayon, ah?
"Ayah..."
I suddenly stopped walking. It was Skyler, who called me. Feeling close amputa!
Naramdaman ko ang munting kalbit ni Kaira sa tabi ko. Kaya ayon, nilingon ko na si Skyler nang magtigil na siya sa delusyon niya.
"Oh?"
He chuckled nervously, it was clearly evident. He rubbed the back of his neck and slid his other hand in his pocket. "'Yung friend request ko, ilang taon na 'yon..."
![](https://img.wattpad.com/cover/368030000-288-k320489.jpg)
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...