Chapter 35

30 0 0
                                    

LALO akong nanlumo nang pagtingin ko sa dump account ko, hindi na kami friends ni Dion. Tangina, in-unfriend niya ako.

Mag-isa ako sa hotel at isa-isa nang nagbabagsakan ang mga luha ko. Tangina, dahil ba sa pagpunta ko noong isang linggo kaya in-unfriend niya ako? Bakit kailangan niyang alisin ang koneksyon namin?

Hindi ko mapigilang hindi buksan ang main account ko. Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko lang ulit nabuksan ang main account ko. Naka-post dito ang lahat ng kalandian ko kay Dion. Palagi ko siyang mine-mention sa mga sweet posts. Ang mga kamay naming naka-form ng heart ang cover photo ko. Nasa highlights ko siya. At ang display picture ko ay ang mukha ko habang hawak ni Dion ang mga pisngi ko.

I leaned against my headboard. I missed the old us. Ang kulit-kulit ko pa noon. Ang huling post ko pa ay ang picture namin ni Dion.

Ayah

hi crush na crush na crush kita. di mo ba nadarama? crush mo rin kaya ako? cross my heart

P.S. I love you —with Dion

[Photo attached]

Napanguso na lang ako sa sobrang pangungulila. I was holding the phone as I took my selfie. I took a stolen shot of him from afar while he's working on his assignment. Nakatingin ako sa kaniya at naka-kiss. We were so happy back then.

Hindi pa rin ako inu-unfriend ni Dion sa main account ko. Bakit sa dump niya lang ako in-unfriend?

I heaved a sigh. Humiga ako sa kama at tinignan ang chats namin. Nagbackread ako sa mga chats namin hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Alas tres na pala ng madaling araw.

Tawa ako nang tawa sa tuwing makakakita ako ng nakakatawang convo namin. Natatawa nalang ako dahil palagi siyang nadadamay sa anger issues ko. But he was always patient with me. Ah, I missed my Dion.

Dion

Bat po ayaw mo ako pumunta sa kwarto mo?
I miss you baby :((

Ayah

yoko nga wag kang makulit
nanunuod ako ng bold

Dion

🤨

Ayah

joke. BSTA WAG KNA PUMUNTA NANUNUOD KC AKO KDRAMA
bukas nalang baks

Dion

Tutulog na ako.

Ayah

hoy galit k b

Dion

Hindi po love u
Pa-kiss nalang ako daan ako d'yan.

I heaved a sigh. Miss ko na ang kulitan namin. Hindi ko matanggap na nahalikan ako ni Zyle nang ganun ganun lang! Nakakainis. Nanggigigil ako tuwing naaalala ko.

Ayah

hey galit ka ba?

Dion

Hindi po, busy lang ako.

Ayah

weh? galit ka eh
sorry na ohhh
sorry sa nagawa mo

Natatawa ako na naiiyak habang nagbabackread. It may never happen again, considering the circumstances we're under today. Somehow, reading our old convos makes me feel better. Kahit naiinis ako dahil sa ginawa ni Zyle, kapag naaalala ko si Dion, kumakalma ang damdamin ko.



Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon