"ANONG kukunin mong course?"
Pota, gandang good morning naman n'yan!
Iyon ang tanong sa akin ni Kaira pagkapasok na pagkapasok ko palang ng room. Aniya ay namomroblema raw siya sa mga magulang niyang pinipilit siyang mag-isip na ng kukuhaning course ngayon para makapag-aral na siya sa mga college entrance exams. I wish I had the courage to tell her, 'Ako pa talaga ang tinanong mo n'yan.'
But I don't want to ruin her mood. She seems too stressed and I don't want to add to it. Baka pag inisip niya kasing wala pa akong naiisip, mas lalo lang siyang ma-down.
"Ano, baka..." napatingin ako sa kisame. Ano nga ulit 'yong mga pinagpipilian kong course? Oh tamo, hindi ko na maalala. Kaya nga nakasabit sa corkboard, eh.
"Ano nga?"
"Mga medicine course siguro, gano'n." I shrugged carelessly.
Kinuha ko ang Ipad ko at binuksan ang paborito kong laro. Wala pa naman ang teacher namin dahil medyo maaga ako ngayong pumasok. Nakita kong napanguso si Kaira, halatang problemado talaga siya.
"Teh, ano bang course maganda? 'Yung mukha akong cool."
"'Wag mong iisipin kung mukha kang cool kung hindi mo naman magugustuhan ang course mo. Magiging miserable ka na rin lang, s'yempre doon na sa gusto mong course, diba?" advice ko.
Her lips protrude more as she leaned against her seat helplessly, "Eh hindi ko nga alam kung anong gusto ko, eh."
"Same." I chuckled.
Sinamaan niya ako ng tingin, "Kwento ko 'to, diba?"
I rolled my eyes, "Bawal maki-singit?!"
Throughout the days, I have grown closer to her. Napansin ko lang na ka-vibe ko siya. Iyong ibang kaklase namin, goods naman sila. But Kaira is like a long lost friend. Kung alam ko nga lang na makaka-vibe ko siya, dapat noon palang kinaibigan ko na siya.
"Sige nga, let me ask you. Bakit ka nag STEM?" I then faced her. The sound of the background music from Liyue's theme can be heard faintly. Ah, I love Genshin.
"Para nga cool." she snorted.
Muntik ko na siyang batukan. Umiling nalang ako at hindi na siya kinausap pa. Jusko, baka mahawa ako sa reason niya! Gaya-gaya pa naman ako minsan.
Saglit lang akong nakapaglaro bago pumasok ang first subject teacher namin, si miss Reena. When she went inside, a small smile crept across her face. Not like I am not used to it, but whenever she smiles like this, there's always an activity coming up. So, with that thought in my mind, I conditioned myself that she will have an activity prepared for us.
S'yempre, dahil naiisip ko na iyon, kinabahan na agad ako. Gusto kong idamay si Kaira sa kaba ko kaya lang stressed na siya at ayaw ko na iyong dagdagan.
"Good morning, class!"
"Good morning, miss Reena!" We all stood up to greet her. Maya-maya lang din, pinaupo na kami.
Pinaayos niya sa isa kong kaklase ang laptop at TV. Ang mga mata niya ay ginala niya sa paligid ng classroom. Ayan, alam ko na talaga ang mga tinginang gan'yan!
"Parang inaantok pa kayo." she chuckled.
"Opo." I answered honestly.
I MEAN...
Nagulat din ako nang nasagot ko iyon nang malakas. My classmates laughed at me. I feel second-hand embarrassment because I didn't mean to say it out loud!
"Joke lang po." hiyang-hiya kong bawi.
Damn tongue, Ayah!
Buti nalang at mabait si miss Reena at tinawanan lang ang sagot ko. Nagpagala-gala siya sa harap habang inaayos ni Jethro ang TV.
![](https://img.wattpad.com/cover/368030000-288-k320489.jpg)
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...