HIYANG-HIYA ako nang makalabas ng banyo. When our gazes met, only I could ever hold an awkward smile.
"Hehe, tapos na."
He just nodded and slid his hands inside the pockets of his trousers. "Are you comfortable?"
"Ha?" tanga kong tanong.
"Hindi ko kasi alam kung...size mo ang nai-pabili ko."
Mariin akong napapikit sa sobrang pagkapahiya. Ang tinutukoy niya ba ay iyong panty ko? Punyemas, kailangan pa bang tanungin 'yon? Ang awkward kaya!
Tumango nalang ako, "Ang sabi ko nga, napkin lang...may pa-bonus ka naman d'yan. Ano gcash mo?"
He shook his head, "Wag na. Si mommy ang bumili no'n."
Gulat akong napatingin sa kaniya. Muntik pa akong matalisod dahil sa bobong walis na nakatungayngay sa labas ng room ng Grade 12!
"M-mommy mo?"
Jusko. Naabala ko pa ang mommy niya? Hindi ba't famous na writer iyon? Tangina, nakakahiya naman!
"Believe me, she's more worried than I am." he showed a confident grin. I couldn't help but to purse my lips. Nakakahiya pa rin iyon.
Tahimik lang kaming naglakad matapos iyon. Maraming pumapasok sa isip ko. Kung anu-ano. I feel awkward that we're not talking about anything. Hindi naman kasi ako iyong tipo na gumagawa ng topic. Hindi ako madaldal sa umpisa. Pero kapag nasimulan ako ng topic na interesado ako, doon ako umiingay.
Pero ngayon, paano kami uusad kung walang magfi-first move? Ganito ba talaga siya? Tahimik lang? Baka naman katulad ko rin siyang madaldal kapag nasimulan ng chismisan?
But I don't think so. Hindi siya mukhang madaldal. Hindi ko rin nakikitang nakikisali siya sa mga kalokohan sa room. He's more of a silent/listener type. He's grumpy at times, too. Hindi ko nga halos ma-imagine na magkasama kami ngayon. Bonding ba naman nito, mga libro niya.
"What are you thinking about?"
Napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang magtanong. He's eyes narrowed slightly, indicating that he's curious about my thoughts.
"Wala 'yon, di mo mage-gets." ani ko. Tinatamad kasi akong magpaliwanag. Tsaka siya kaya ang iniisip ko. Ang awkward naman kung sabihin ko, diba?
"Paano kung mage-gets ko?"
Aba, hinahamon niya ata ako, ah.
"Sige nga, alam mo ba 'yung isdang tampalpuke?"
He blinked twice. "Pardon?"
"Wala, curious lang ako bakit 'yon ang tawag doon." I shrugged before averting my gaze.
Gusto ko tuloy matawa dahil halatang hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon. Hindi naman talaga iyon ang iniisip ko pero minsan na ring sumagi sa isip ko ang bagay na 'yon. Bakit nga kasi tampalpuke? Dahil mukhang pekpek 'yung isda?
"SANA ALL!"
"Yieeeee!"
"Ano kayo na agad?!"
Labis akong nabigla nang pagpasok namin ay agad kaming inasar ng mga kaklase namin. Naalala ko, may issue nga pala ako sa lalaking 'to dahil sa hinayupak na Gabby!
I mentally groaned. Paano na 'to? Wala na, inasar na.
Ma-issue kayong mga puta kayo, ah.
Hindi pa rin tumigil ang mga kaklase ko sa pang-aasar, kaya ang ginawa ko, pinagpapakyuhan ko sila!
"Pakyu, gago kayo!" nanakbo ako papunta sa upuan ko at hindi ko na naisip pang alalahanin ang reaksyon ni Dion. He's usually silent so I get it. Ako lang siguro ang OA sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...