Ayah
tigas talaga ng mukha ng sumira ng jersey ko. MABUNTIS KA SANA
😆♥️👍🏻 189 100 comments 32 shares
Galit na galit kong pinaringgan si Beatrice sa Facebook. Akala niya tapos na ako sa kaniya? Hindi ko pa siya natitiris sa court. Kulang pa iyon, pota siya.
"Huy, teh. Chill ka lang. Champion naman na." pagpapakalma sa akin nina Tiffany.
"Sige beh, bayaran mo 'yung jersey ko." bahagyang inis kong saad. Hindi naman ako sa kaniya naiinis, nadamay lang siya, gano'n.
"Sure ka bang si Beatrice nga 'yon? Malay mo, totoo iyong sinasabi ni Kaira na sa bahay niyo nasira? Or maybe noong papunta ka sa school?" Janna asked.
I confidently shook my head. I am sure of it. Si Beatrice talaga iyong nakita ko. It's so impossible that I mistook it for someone else. I know her hair. I recognize it.
"May practice daw kayo sa room ng Helium, Ayah. Tawag kayo ni ma'am Concepcion." pumasok si Kaira sa room.
Tumayo nalang din ako at in-off ang cellphone ko. Hindi ko na pinansin ang mga comments doon. I'm sure mga gustong maki-chika lang iyon. Hindi naman ako natatakot na makita iyon ng mga kamag-anak ko dahil naka-except iyon sa kanila.
Pagdating ko roon sa room ay mas lalo akong nawalan ng gana. Kasali pala ang punyetang ito, at nanalo pa talaga siya sa Mr. HUMSS. Walang taste iyong judges nila!
"Hi, Ayah!" Skyler greeted me with a sly grin. "Wala ata 'yung escort mo?"
"May laro sila. Championship. Hindi ka maka-relate siguro." I smirked at him. Ha! Nawala ang mayabang niyang ngisi.
"Sakit mo naman magsalita," he chuckled. "Kailan mo ako ia-accept, hm?"
"At nagtanong ka pa talaga."
Tangina, ambait-bait ko nanga sa lalaking ito, eh. Hindi ko na siya pinansin sa mga pagpapanggap niya. Hindi ko siya sinusungitan masyado. Pero parang sumusobra naman na ata siya? I just didn't like what he's doing. It's creating confusion.
Wala si Dion dahil championship ngayon ng men's basketball. Madali lang din naman ang gagawin dito, rarampa lang, sosolohin ang sequence. Kayang-kaya ko naman itong i-explain kay Dion.
Magaganda rin ang kasali sa pageant, I wouldn't deny it. Iyong iba sa kanila, mga lumalaban talaga even outside the city. Iyong isa, nilaban pa sa Cebu. Mga famous sa social media kaya sila ang inilaban.
In my case, tingin ko naman hindi ako nale-left behind. I'm popular on social media and some of my TikTok videos have hundred K views. I wouldn't say I am popular but I have my own platform on TikTok. I already have 78k followers there but I am not claiming that I am a public figure because I am simply just posting my videos.
Well, marami naman talagang nagiging famous sa platform na iyon dahil mabilis magspread ang videos. Para sa akin, magandang platform iyon para i-flex ang ganda ko, dejoke lang.
Pilit kong iniwasan ang mga tingin ni Skyler. I tried my hardest not to look at him, even if I am getting irritated and uncomfortable because of his stares. I'm just hoping that Dion would come and save me from him. I'm just feeling uncomfortable and Dion is my safe space. I feel like I will be fine if he's by my side.
"That'll be all for today. Goodluck on Friday, guys! Galingan niyo, ha?"
Hindi ko na pinansin pa si Miss Concepcion at nagmadali na akong kuhanin ang bag ko. I badly wanted to escape from that damn stare. Nakakairita, nakakailang, sa totoo lang.
Hindi ko ma-gets kung bakit naiinggit ang mga babae sa akin, gaya ng sinasabi ni Kaira, sa katotohanang gustong-gusto ako ni Skyler. Hindi naman iyon nakaka-proud. Kahit noon pa man, noong nalaman kong may hinalikan siya behind my back, pakiramdam ko naisuka ko ang lahat ng ngiti at tuwang naramdaman ko noong nag-usap kami.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...