My eyelids were heavy as soon as I woke up. I still feel numb. Parang gusto ko pang matulog nang matulog dahil pakiramdam ko siyam-siyam ang pagod ko. Also, I could feel the urge to throw up. Nalalasahan ko sa dila ko ang mapait na alak na iyon. That made me gag a little.
"Ayah!" sigaw ng pamilyar na boses. Si Dion.
Tangina, so totoo nga.
If I remember clearly, nagpresinta si Zahra na doon nalang ako matulog sa kanila, nalaman kong kapatid niya si Dion, tinulak niya ako kay Dion, pinasok ako sa kuwarto, at dito ako natulog sa kuwarto ni Dion! Putangina!
"How are you feeling? Nasusuka ka ba?" hindi ko alam kung pangamba o taranta ba ang nararamdaman niya. Natatakot ba talaga siyang sukahan ko ang kama niya? Arte talaga ng lalaking 'to.
I slowly sat up, holding my temples in my hand. Bukod sa nasusuka ako ay sobrang sakit din ng ulo ko! Para akong may trangkaso at hindi ko maintindihan ang pag-ikot ng mundo ko. Is this a hangover? So, this is how it feels? Hindi pala masaya!
"Nasusuka ako.." I gagged. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
Ngayon ko lang din nakitang may dala-dala siyang pagkain sa tray. He immediately put it on the bed and went to me, "Can you stand up? Aalalayan kita.."
He offered his arm as my support. Hinawakan ko iyon at ginabayan niya nga ako patungo sa C.R. ng kuwarto niya. Everything feels so weird. Pero mamaya ko na iisipin iyon. Mamaya na ako mamomroblema dahil isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
"GAAWKK!"
Hindi ko na napigilan ang malakas kong pagsuka! Nang makita ang toilet bowl ay parang kusang nagsend ng signal iyon sa utak ko para ilabas ang kagabi ko pang tinatagong pagsuka. I was mentally cursing my numb self as I let all those filthy vomit outside my mouth. Matindi ang kapit ko sa gilid ng toilet bowl habang minumura ang sarili ko at pinagsisisihan ang kagagahang pag-inom ko.
Lord, hindi na talaga ako iinom. Una't-huli na 'yon! Promise, hindi na ako iinom!
I felt Dion beside me as he knelt down to take care of my miserable state. Ramdam ko ang pag-aalangan niyang hawakan ang likod ko. But soon enough, he put my hair around his hand and his free hand rubbed my back to help me vomit more.
"God, you look so fucked up.." he commented.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mamaya ko na dadamahin ang kahihiyan ko. Quota na talaga ako sa kahihiyan. May hahabol pa ba? Putangina isagad na kaya.
Para akong lantang gulay nang matapos akong sumuka. Dion flushed the toilet and we both stood up. Maya-maya lang, inabutan niya ako ng extrang toothbrush. Lumabas na rin siya ng banyo at nang maiwan akong mag-isa, doon pumasok sa isip ko ang lahat ng kahihiyan na kanina ko pa tinatago.
I muttered so many curses, directed to me. Nakita ko ang sarili sa salamin ng malaking banyo niya. Totoo, mukha akong miserable. At miserable rin ang pakiramdam ko! I was brushing my teeth as I thought about my situation.
I am here, inside Dion's room. Inside DION'S ROOM. I slept on his bed. HIS BED. Pinagtagpo lang ba talaga kami para palagi akong mapahiya sa kaniya? Dahil tangina, ang swerte ko naman sa kamalasan.
Saan siya natulog kung sinakop ko ang buong kama niya? Imposible namang tinabihan niya ako. Ano siya, heller?
Hindi na ako nagtagal sa loob. Baka sabihin niya, kung ano pang ginawa ko roon. Naghilamos lang ako at inayos ang sarili. I need to at least look presentable to him. We're not close. We're just classmates. Not even acquaintances. Magpapansinan lang kami kung kailangan, o kung kailangan kong mapahiya sa harap niya. Bwisit na buhay talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/368030000-288-k320489.jpg)
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...