Chapter 27

48 0 0
                                    

I was staring at the empty house that used to be so loud and lively. Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal dahil buong buhay ko nang kilala si ate Fatima. She's like a sister in disguise. She has done so much for our family.

Pero naiintindihan ko rin naman ang sitwasyon niya. Kailangan ng tunay niyang ina ng tulong dahil iyon ay bedridden na. Wala naman daw ibang mag-aalaga. Sometimes, I would feel empty too. Mas naging tahimik kasi ang paligid. Noon ay madalas kong marinig ang kulitan ng magkapatid tuwing uuwi sila ng school. Pero ngayon, wala na akong ibang marinig kung hindi ang hampas ng alon sa pampang na siya namang tahimik din.

I wasn't ready for this big change but I know that it will always happen. I really shouldn't be complacent. Napanatag na naman ako.

"Wala na pong natirang gamit, Ma'am?"

Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti kay kuya. Tatlong lalaki sila na inutusan ni ate Fatima para hakutin ang mga gamit na at iuwi sa Pangasinan. Hindi kasi maiiwan ang bahay at wala naman daw ibang mag-aalaga.

"Okay na po lahat, kuya. Salamat po."

I faced the days trying to cope up with the sadness. Losing papa is a big indication that my life will not be stable, no matter how much I fix it. Ngayong umalis na si ate Fatima, mas lalo kong naramdaman kung gaano karupok ang buhay ko.

Para akong nasa isang tulay na may marurupok na daan, na bawat hakbang ko ay masyadong mabigat para kayanin ng lumang kahoy. Bawat tapak ko ay nasisira ito at nahuhulog sa bangin, isa-isang nalalagas sa buhay ko.

Pero ayokong malugmok sa kalungkutan kaya tuwing nasa bahay ako ay nagpapatugtog ako nang malakas. Minsan, dinidistract ko ang sarili sa panunuod ng series. Minsan, sa trabaho. O kaya naman sa laro. Basta ginagawa ko ang lahat para hindi ko maramdamang malungkot ako.

I even joined the district meet, thanks to Coach Rans who picked me to be their setter. Kaya ngayong November, may pinagkakaabalahan ako.

"Good game!"

Lihim akong napangiti. Lumaban kami sa ibang school at nakaka-dalawang panalo na kami. Iba ang kinuhang spiker at pakiramdam ko, mas kumportable ako sa kaniya. Magaling siyang magspike at strategic. Hindi basta-basta kung tumira.

Nicole from Oxygen was our libero. Dahil maganda ang team coordination namin, mas lumabas ang galing niya. Maliksi siya at mabilis tumakbo. Lahat ng receive niya ay maayos at walang palyado.

"Konti nalang, Hermione. Magiging atin ang championship!" masiglang sambit ni Coach Rans.

"Pa-mang inasal ka naman d'yan, Coach." tukso ni Gabby. Siya ang captainball ng volleyball team for men's volleyball kayaking narito rin siya.

"Ipanalo niyo muna, kahit wantusawa pa kayo sa Mang Inasal." aniya sabay tawa nang malakas.

Nagtawanan din ang mga ka-team namin at mas lalo kaming ginanahan manalo dahil s'yempre, Mang Inasal na 'yon 'no!



"READY to go?"

Sinundo ako ni Dion matapos namin magmeeting kasi ang diretso ko naman ay sa kamalig. Pagod na pagod ako ngayon, tangina. Parang kailangan ko ng kiss. Charot.

"Yup. Sa kamalig, ah."

He opened the door for me and I flopped my back against the seat. Damn, this is another different kind of tiredness. I'm literally exhausted!

"How was it? Did you win?" nilingon niya ako.

"Mhm.." I nodded exhaustingly.

Hindi kasi ako nakapagpahinga nang maayos matapos ang game dahil nagmeeting kami nang halos 30 minutes.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon