As I look up to the sky,
A thousand stars shine overhead
Yet among those stars in the sky, a certain one caught my eye
Sailing across the sea
Holding a notebook in her hand
The star that night emitted the most beautiful light
I was blinded, but there is only one thing that I realized
The star that night is my whole universeCHILDREN are dreamers. They have so much hope inside them. They believe in fantasies and they look up to the sky, just like what these children I accompany would do.
"Ate, totoo po ba ang shooting stars?"
"Nakakita ako noon, nagwish ako ng laruan tapos kinabukasan, nibigyan ako ni mama ng toy car!"
"Weh, bakit nung akin hindi naman natupad?" Jiya asked, her lips pursed while leaning her chin on the back of her hand.
"Eh baka kasi bad girl ka kaya ayaw ng star sa'yo!"
Pinigilan kong tampalin si Jake. Naalala kong bata nga pala siya. Hay naku! Ba't kasi pinabantay pa sa akin ni ate Fatima ang mga anak niyang makukulit.
Akmang hahagulgol na si Jiya nang yakapin ko siya. God, she's just five! Napakamaloko talaga nitong kuya niya.
"Ate, nia-away ako ni kuya!"
"Ohh, shh na. Hindi totoong bad girl ka, ha? Hayaan mo 'yan si kuya, hindi natin 'yan bati." pakunwari kong sinamaan ng tingin si Jake na siyang ginantihan naman ako ng ngisi. Pilyo talaga 'tong batang ito. Kung anak ko lang siya, matagal ko na 'yang piningot.
Tuwing lumuluwas ng Maynila si ate Fatima, ang kapitbahay naming malapit kala mama ay sa akin niya iniiwan ang dalawa niyang anak. Hindi naman kasi agad natutulog ang mga ito kaya ang ginagawa ko, dinadala ko sila sa pampang at nilalaro sila. Kapag pagod na kakapanakbo si Jiya ay kusa na itong humihiga sa akin at iyon ang cue ko para dalhin sila pabalik sa bahay nila. Mabilis namang makatulog si Jake dahil 8 years old naman na ito at hindi na kailangan pang baby-hin.
"Hindi po ako bad girl?"
"Bad–" pinandilatan ko si Jake.
"Hindi po. Kanino ka mas naniniwala, sa maganda mong ate o sa pangit mong kuya?"
Napasinghap si Jake at akmang aapila nang pinandilatan ko siya. He just heaved a sigh and went back to making his sand castle. Aapila pa, eh, alam niya namang poging bata siya at kailangan ko lang pakalmahin ang kapatid niyang uto-uto.
"Ate, naniniwala ka nga po sa shooting stars? Totoo bang nagga-grant sila ng wishes?"
Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Naniniwala nga ba ako roon? Sa totoo lang, hindi. Pero paano ko sasabihin sa isang inosenteng bata na malakas ang imahinasyon na hindi naman totoo ang mga pinaniniwalaan nila? It's easy to debate with adults that those fantasies aren't true. But when you're talking to a child, you need to stop yourself from destroying their imaginations.
"Kapag mabait ka, Jiya at hindi palaging umiiyak, baka pansinin ka ng shooting star." ngising sambit ni Jake habang nilalaro ang sand castle niya.
Nagsusumiksik naman sa akin si Jiya habang nakaupo kami sa buhanginan. Yakap-yakap niya pa ang children's book na kanina niya pa pinababasa sa akin.
"Akin na nga 'yan. Makinig ka na lang sa akin."
Kinuha ko ang children's book niya. Nauumay na nga ako dahil palagi niyang pinababasa ito sa akin. Halos masolo ko na ang mga linya. Paborito niya ang tumingala sa mga tala sa kalangitan katulad ko. Ang kaibahan lang namin, hindi ako naniniwala sa hiwaga nito.
Under the Thousand Stars
When you look up to the sky, the stars will shine at you.
Dreamers, don't wake up.
The stars favors those who believe, and those whose dreams were nurtured with hope will be granted.
A star was once filled with wishes too.
Fate is kind to her, so she extended her dreams to the children of hope.
Wishing someday, they would return that spark to her.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...