Chapter 14

164 1 0
                                        

"SINO ulit kalaban natin?"

"Hydro. Sina Clowi."

"Ahh. First game, sila agad. Kaya naman siguro."

"Oo, 'yan! Parang friendly game lang naman."

Lumapit sa akin si Kaira. Ilang minuto nalang ay laban na namin. Our first match was with Hydrogen. Mga tropa naman namin iyong mga 'yon kaya kebs lang. Nasa room pa ata sila.

"Dating gawi lang, Ayah ah?"

"Ge. Akong bahala." I said confidently.

Maya-maya lang ay dumating din sina Gabby at Dion, kasama ang ibang tropa.

"Goodluck, Ayah!" sabi nila Amir.

"Grabe, si Ayah lang? Napaka-bias talaga!" reklamo ni Kaira. Naki-agree naman sina Tiffany.

"Oh, bakit? Muse ka ba?!" Gabby answered her. "Kung muse kita, baka p'wede pa."

Nauwi ang pagbabangayan nila sa asaran. Sila naman ngayon ang inaasar ng mga kaklase ko. Namumula si Kaira at pinagmumura ang mga kaklase namin. I just laughed with them. Anyare sa katorpehan ng lalaking 'to?

While they were laughing, Dion suddenly went behind me. Pilit kong inignora ang pag–aalab ng puso ko. I could smell him from this close proximity!

"Goodluck," he said softly, behind my back.

"Chansing ka talaga." bulong ko pabalik.

He chortled, swiftly wrapping his hand around my waist. "Am I?"

My eyes widened. He just pulled me closer. Putaena, ang lakas ng tibok ng puso ko, oh!

"Okay ka na ba? 'Yung tagiliran mo?"

He nodded and rested his chin on my shoulder. "Magaling na po."

Bolts of electricity rushed through my veins. I didn't know how to explain it better. Aside from my cheeks blushing, there's butterflies dancing around my stomach as well.

I wasn't sure if that gave me the energy to do well on my first match, but I certainly did.

"Mamaw talaga!"

"Go, Ayah!"

"Kaira ang galing mo!"

"Tiffany best libero!"

24-19

What a good way to start the game.

2nd set na at naipanalo namin ang first set. Isang puntos nalang, isang-isa nalang.

"Last one, guys!"

I was so energized. Hindi mawala ang ngiti ko. I would take a glance at him and he would take a snap of me. And I would look away while suppressing my smile, yet every time I try, I would fail.

"Service ace!"

YES!

Hindi nakuha ni Lenzie ang bola nang i-serve ko ito. We won the match!

"Ang galing talaga!" nagtatatalon ang mga kaklase ko. Tuwang-tuwa rin ang mga boys. 1-0 sa men and women's volleyball. 1-0 rin para sa men's basketball. Wala kaming women's basketball kasi walang sumali.

Dion went up to me. S'yempre, nasa kaniya ang bag ko. Alalay ko siya ngayon.

"Airdrop ulit?" He gave me my gatorade.

"S'yempre, 'no."

Pinagdikit namin ang mga phone namin. Mabilis lang naman ipasa ang mga iyon, basta pagdikitin lang ang dalawang iPhone.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon