Chapter 39

197 3 0
                                        

I woke up with a huge smile on my face. I just couldn't believe that Dion was mine again, and we made love as a means of coming back together. The moments we had last night were the best and I still feel like I was floating in the clouds.

Kasabay ng pag mulat ng mga mata ko ang pagpasok ni Dion dala ang breakfast in bed. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong saya. Kung puwede ko lang kalimutan ang mundo at manatili nalang kay Dion, matagal ko nang ginawa.

"Good morning, love." he said as he quickly stole a kiss from my lips. "Breakfast?"

Kami na ba ulit?

Dapat lang naman siguro, 'no! Hindi ako papayag kung hindi niya ako babalikan! Subukan niya lang!

Umupo ako at inilapag niya na ang mini table sa ibabaw ng mga hita ko. I looked at the meal Dion prepared for me. It was my favorite! Bacon and eggs with fresh milk!

"Thank you, Dion.."

Napansin kong may damit na rin pala ako. Dion must've dressed me while sleeping. Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Because how could you ever forget that feeling? Dion is mine again. He's mine.

"Hindi ka kakain?"

He shook his head. "Kanina pa ako gising. Kumain na rin ako."

"Bakit? Anong oras na ba?"

"11 AM."

Nanlaki ang mga mata ko. 11 AM? Sobra naman yata akong nakatulog? Maaga naman ako laging gumising, kahit noon. Grabe naman pala talaga ang pagod ko.

"Ihahatid na kita sa condo mo. Nasabihan ko na rin si Chan na sa akin ka umuwi kaya hindi na sila nag-alala." he said while putting the strands of my hair behind my ear.

Inalala ko ang realidad ko at nakaramdam ako ng lungkot. I still have a lot to fix. Kaya pagkatapos kong kumain ay kinuha ko agad ang phone ko. As expected, I received a lot of calls from Zyle.

Guilt entered my mind in a tidal wave. Iniwan ko siya roon na hindi manlang ako nagpapaalam. I went with Dion when he was the one who accompanied me in that event. Sa sobrang konsensyang naramdaman ko ay napapikit na lang ako.

Tumagal ang pagtawag niya hanggang alas dose ng gabi at natapos iyon sa isang unread message.

From: Zyle

You could've said that you went with Dion. Maiintindihan ko naman. Good thing Channel called me. Akala ko napahamak ka na. Text me when you read this message. Just to know you're really safe.

Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ko. Parang bigla akong nagsisi sa mga reckless decisions ko, dahil lang pinangunahan ako ng nararamdaman ko. Hiyang-hiya ako kay Zyle. Gusto kong sabunutan ang aking sarili.

"Hey, what happened?"

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Dion. Tahimik lang akong umiling. Nawala ako bigla sa mood dahil sa konsensyang nararamdaman ko. It was giving me secondhand embarrassment! I was having fun with Dion while Zyle was waiting for me to go back, and he was really worried. Bakit kasi ako naka-DND?

To: Zyle

Zyle, I'm really sorry for what I did. Sobrang bilis lang ng pangyayari at ayaw ko ring sayangin 'yung chance na makausap ko si Dion. I'm really sorry for leaving you, I know what I did was horrible :((

Sorry talaga, Zyle. Babawi ako sa'yo. Please, forgive me for doing it.

I bit my lower lip and I hit the send button. Napasandal ako sa headboard ng kama. Iniwan ko si Zyle sa event na hindi manlang nagpapaalam. I feel like I took him for granted. I hate this feeling of guilt.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon