Chapter 33

34 0 0
                                    

SIMULA noon, hindi na tumutugon si Dion sa mga pagpapapansin ko. Para ngang mas active pa ako sa dump account ko kesa sa page ko. Ilang buwan na ang lumipas at mas lalo akong nawalan ng pag-asa sa amin. I told myself that I am practicing the art of acceptance but why can't I accept that Dion has his own life already?

"Okay, from the start ulit tayo. Ayah, give us more energy! This is hiphop, not salsa!"

I puffed a breath. Tinapik ako ng isa kong kasama sa grupo, si Channel, na alam ko namang pinapagaang lang ang loob ko. Palagi akong napapagalitan ng talent manager namin dahil hindi ako gano'n kagaling sumayaw. I can dance but not to that extent.

Pero sinusubukan ko naman!

Just days after the interview, I got a call from XYZ entertainment, inviting me to join their auditions for a new Ppop group, Rayana. Napaisip din ako kung para sa akin ba ang pagiging Ppop idol dahil pagkanta lang naman ang kaya kong gawin. But they needed a strong vocal like me, that's why months after the audition, I got the lead vocalist role. Tapos na ang production ng debut song namin. Ngayon, nagpa-practice kami para sa aming debut performance.

"Excuse me, Mr. Ernst? Can I take Ayah for a moment?"

Biglang pumasok ang secretary ng entertainment. Pinatigil kami sa pagsasayaw. Tumango lang sa kaniya si Mr. Ernst, ang talent manager namin at inutusan akong sumama sa secretary.

"Lagot ka!" asar nila. Mga gago!

"Goodluck, Ayah! 'Wag ka iiyak!"

Simple ko silang pinakyuhan habang hindi nakatingin si Mr. Ernst. Mga gago rin kasi iyong ka-member ko, kaya agad na napalagay ang loob ko sa kanila. Lima kami sa grupo. Ako, si Channel, si Veronica, si Enora, at si Kendall. Sa kanilang apat, nakikita ko ang mga kaibigan ko noon. Minsan, iniisip ko rin kung kumusta na sila.

"Good afternoon–po..." humina ang boses ko.

Pagpasok namin sa office ng chairperson, hindi lang siya ang nakita ko roon. Daniel Zyle was also there!

"Ayah, maupo ka." malaki ang ngiti sa akin ni Mr. Demetrio.

Hindi ko alam kung saan ako magfofocus. Sa kaniya ba o sa guwapong mukha ni Zyle?! Parang nagtalunan ang mga laman-loob ko, shuta! It's literally my idol right in front of me!

Pinigilan ko ang ngumiti nang parang ulol. Gago! Hindi naman sinabing nandito si Zyle? Paano kung mabaho ako at mukhang loshang? Feeling ko pawis na pawis ako!

"Hi, Ayah?" Daniel Zyle smiled at me. He extended his hand.

Napatulala ako nang gawin niya iyon. I was contemplating if I will shake his hand. Paano kung mabaho ang kamay ko dahil sa pawis? Tangina naman! Sana pinagretouch muna ako diba!

Ilang segundong nakatungayngay ang kamay ni Zyle kaya nang magkamalay ay agad ko itong hinawakan.

"H-hello po!"

He chuckled softly. Shuta! Ampogi! Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko sa kilig. Bawal magfangirl? It's literally Daniel Zyle Jocson!

"So, you see, Ayah...ilang taon na mula noong huli kayong nagduet sa Palawan. Am I right?"

Nawala ang tingin ko kay Zyle at nalipat kay Mr. Demetrio. "Po?"

Anong ibig niyang sabihin doon?

"Both your fans are still talking about you. And to be honest, one of the reasons why Rayana's debut became a hit was because of this engagement. Ikaw, si Zyle. Do you see my point, Ayah?" ngumiti siya sa akin.

My eyes narrowed slightly. Parang bigla ay nawala ang ngiti ko. Sinasabi niya bang kaya kami sumikat ay dahil lang kay Zyle at hindi dahil sa talent at kanta namin? Parang nakaka-offend, ah!

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon