Chapter 29

144 2 0
                                    

SA mga sumunod na araw ay inasikaso ko ang mga papeles ng kamalig namin. Iyon na nga lang ang mayroon kami tapos hahatian pa ng tarantadong matanda na 'yon na milyonaro naman na. Gaano kalalim ang alitan nila ni mama at umabot sa ganito? Pakiramdam ko ay iniipit niya kami.

Tuloy ay wala na akong oras para makapag-aral. Hindi ko na rin nare-replyan si Dion at ang huling chat namin na mahaba ay noong isang linggo pa. Nagkikita naman kami pero hindi ko na magawang makipag-usap pa sa chat. Pero kahit ganoon, palagi akong nakakatanggap ng good morning at good night message mula sa kaniya.

Dion

Kain na love
sent 12:56 PM

Dion

Bistek ulam namin. Mainggit ka 😛
[Photo attached]

Natawa ako kasi sinama niya pa talaga si tita Dia. Nagpicture sila kasama iyong ulam nilang bistek.

Ayah

penge :((

Dion

Dalhin ko sana kaso baka manawa ka na sa'kin, araw-araw na 'ko nandyan.

Simple akong napangiti. Hindi ko na iyon nagawang replyan dahil kailangan ko nang umalis at pumunta sa kamalig.

Pagdating ko roon ay nakita kong nagtatrabaho na ang mga construction workers sa ine-extend na fish farm. Totoo ngang malaki ang ie-extend sa maliit naming kamalig. Sinabi rin sa akin ni Dionisio Villador na maglalagay ng high technology equipments at kalaunan, magiging pabrika na rin katulad ng ginawa sa ibang lugar.

I did not like the change. Unti-unti, nagiging mukhang Shamya na. Puno ng disgusto ang puso ko at hindi ko maatim na narito ako ngayon at nagtatrabaho sa ilalim nila.

Tiningala ko ang langit at pumikit. Hiniling ko na sana ay patawarin ako ni papa sa mga nangyari. Ang maganda at tahimik nilang pamumuhay bilang mangingisda ay tuluyan nang nasira dahil sa impluwensya ng nasa itaas.

Pero hindi ako nagpapatalo dahil gusto kong maging malakas.

"Ano bang alam mo sa negosyo?"

Sa totoo lang, wala akong alam sa pamamahala ng negosyo. Hindi ako maalam sa pag-ikot ng pera. Hindi ako marunong magbenta. Ang kaya ko lang gawin ay pamahalaan ang kamalig kung saan ako lumaki. Bukod doon, wala na.

Estudyante pa lang din ako. Senior High student. Ang dapat ay nag-aaral pa lang ako. Dapat ay ang pinoproblema ko, kung ano ang sagot sa mga assignments na hindi ko maintindihan. I should be enjoying my teenage days but life will never be okay with that.

Ginabi ako sa pagtatrabaho sa kamalig. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil sa buong araw na 'yon, malalim ang iniisip ko. I just couldn't accept everything. Hindi ko alam kung bakit ganito ang dinaranas ko. Ayos naman ang buhay namin dati.

Ang sabi ni mama, ayaw niyang maging pangit ang alaala ko sa aking kabataan. Pero paano ko iyon maiiwasan kung hindi ako nilulubayan ng mga pangit na alaala?

"Ma'am Ayah! Jusko po...Ma'am!"

Gulat akong lumingon nang makarinig ng mga taong tumatawag sa akin. Sa tono palang ng kanilang pananalita, bumigat na ang pakiramdam ko. Scenes of my father's death flashed through my mind. Ayaw na ayaw ko ng ganitong pagsalubong.

"A-ano po 'yon? Bakit kayo nananakbo?" I swallowed heavily.

"Nagtext ho sa akin ang anak ko. Nasusunog po ang bahay niyo!"

I felt my heart dropped to my stomach. Nanigas nalang ako sa kinatatayuan at pakiramdam ko ay dumilim ang nasa paligid ko.

Nasa bahay si mama!

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon