ISANG linggo na matapos ang encounter namin sa pampang. Sa school naman, hindi niya ako pinapansin. Akala mong hindi siya nanghingi ng alcohol eh, 'no!
Tahimik lang din siya sa school. Napansin kong mamaw siya sa math. Gusto ko sana siyang kaibiganin pero parang ang sungit niya. Wala rin siyang silbi kung hindi siya marunong magpakopya. Sa arte niyang iyon, siguradong hindi niya ako lalapitan lalo na kung amoy isda ako tuwing Sabado.
Hayssss!
Kanino kaya ako kokopya sa math?
"Ayah!"
Natigil ako sa pagde-daydream nang may tumawag sa akin. Si Kaira, iyong katabi ko. Kaibigan ko na siya ngayon kahit dati akala ko ay masungit siya. Nasa star section kasi siya noon samantalang ako ay nasa hetero section lang. Hindi naman kasi ako gano'n ka-talino. Madalas din akong absent lalo na kapag maraming benta at kailangan nina mama ng katulong sa talipapa.
"Wazzup?" bati ko rito.
"Labas tayo. Ang boring dito." aniya.
"Bakit? Anong gagawin natin?"
"Maghahanap ng pogi." she smirked at me.
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng room. May 30 minutes pa kami bago magklase sa hapon. Maaga rin kasi kaming pinalabas kanina kaya maaga kaming nakapaglunch.
Dito sa school na ito ako nag junior high school. It's a private school in Corong-Corong. Malapit lang ito sa amin kaya dito ako in-enroll ng magulang ko. Ngayong senior high na ako, hindi na ako lumipat pa ng ibang school. Afford naman namin ang private dahil na rin sa business ng magulang ko at ako lang naman ang anak nila kaya nabibigay nila sa akin ang magandang buhay. Minsan nga lang, kailangan ko rin ng extrang pera dahil hindi naman ako pala-hingi.
"Sabi nila, marami raw pogi sa HUMSS. Mga future lawyers!" impit nitong kilig habang ginagala namin ang buong senior high department. She's clinging to my arm while she's busy fussing over good looking guys.
"Mas pogi kaya sa STEM." giit ko.
"Baka naman 'may mas pogi' kaya sa STEM?" ngisi nitong saad sa akin. "Ampogi ni Dion, 'no?"
My eyes widened. I felt my cheeks heated just by the mention of his name. Umiwas ako ng tingin. Jusko. Bakit naman ako magrereact nang ganito? Hindi ko naman siya crush. Hindi p'wede sa'kin ang gano'n kaarteng nilalang. Ano siya, princess?
"Hindi ka na nakapagsalita d'yan. Anyway, sabi nila sa HUMSS daw si Skyler. Kilala mo naman siguro 'yon."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Guwapo iyon, si Skyler. Alam kong bet na bet siya ng mga babae simula pa noong grade 7 kami. Pero kahit kailan, hindi ko siya natipuhan. Kung type ko siya, baka kami na diba? Niligawan ako no'n nung grade 8 kami. Binasted ko kasi nalaman kong nagkiss sila ni Erika sa likod ng hagdan habang chinachat niya ako.
"Ekis." ani ko.
She just rolled her eyes and chuckled at me. "Bakit? Ano bang type mo, Ayah? 10/10 na nga 'yon, si Skyler!"
I narrowed my eyes while walking. Hindi ko pa iyon napapag-isipan. Ano nga bang type ko? Maraming nagchachat sa akin pero mabilis akong tamarin sa kanila. Agad ko kasing napapansin kapag gusto lang nilang makipaglandian lalo na kapag ang mga tanungan eh 'kumain kana?' o kaya naman 'baka may magalit'. Parang tanga lang. Sino namang magagalit? Nanay ko? Tatay ko?
"Wala akong type. Hindi pa naman ako nagkakaboyfriend, eh. Ikaw ba?" I faced her.
"Ako? Basta pogi, type ko. Gano'n lang, Ayah!"
Natawa ako nang mahina. Sa totoo lang, mataas din naman ang standards ko. Hindi ako nakikipag-usap kapag hindi ko type. Sa facebook, ang mga ina-accept ko lang ay 'yung mga pasadong profile pictures. Kapag pangit at jejemon, tambak ka d'yan sa friend request ko.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...