"Happy birthday, my dearest!"
I woke up the next morning with a huge smile on my face. My parents never told me anything about my birthday. I did not ask either.
Dahil alam kong may surpresa sila. Palagi.
It was my 18th birthday. Isa sa pinaka-importanteng ganap sa buhay ko. Legal na ako, at kagaya ng sinabi ng kaibigan kong asungot, puwede na akong makulong. Charot lang.
"Thank you, mama, papa!" I gestured my love for them. Paanong hindi? Ito na ata ang pinaka-masayang araw ko.
Noong 14th birthday ko, niregaluhan nila ako ng bangka. Ngayon naman, niregalo nila sa akin ang isang bagay na matagal ko nang pinapangarap.
A plane ticket to Manila.
Kilala ko ang magulang ko sa pagiging masinop at matipid. Lahat ng gastos namin ay may pinaglalaanan. Subsob sila sa trabaho kaya ang katulad nito ay malaking bagay para sa amin. I don't know what we're going to do there, but I bet it's going to be fun!
Oh, how I love my parents.
We decided to travel to Manila to celebrate my debut. Nilihim nila sa akin ito. Kasama pa si ate Fatima at ang mga chikiting! Nag-uunahan nga kami sa window seat pero mas mabilis akong tumakbo. Aba, wala akong pakialam kung mukha akong isip-bata! Eh sa gusto ko mauna, eh.
"Daya ni ate!" busangot na sambit ni Jake. I grinned at him and stuck my tongue out.
"Bagal mo kasi," natatawa ko pang saad.
"Ako naman pauwi ah, daya mo talaga!"
"Oo na, basta bilisan mo tumakbo." I patted his head.
Kinuhanan ko muna ng litrato ang labas ng eroplano. Mabuti nalang nakapagpa-load ako bago umalis. Nakapagstory pa ako sa IG.
yae_ayahh
see u later, Manila!
Marami ang nag message sa akin. Binabati ako ng happy birthday. Iyong ibang tarantado, nagpost pa ng spam message. Putang yawa talaga!
Gabriel Velasco ▶️ Ayah
Uhmmm (nahiya pa bumati e no hahaha char😂) so ayun...happy birthday Ayah ❤️❤️❤️☺️ tanda mo na jusko!!!😂😂 pero ano pba mgagawa ko...e true love kita (ayun ahmm) good health syempre🙂 and alwaysPRAY.. kain ka marami birthday mo ngayon ehh!! 😁😁 happy birthday ulit...nasa pm ung ibang messages ko ha !! iloveyousomuchPangetKo! :""😂❤️❤️
37 haha 10 comments 1 share
I brushed my face and rubbed my temples. Sinasabi ko nanga ba, wala na talagang matinong pinost ang hayop na 'to.
Ayah
buti naman alam mong panget ka
Binati rin ako ng ibang post at nagreply ako. Hindi pa naman umaalis ang eroplano kaya may oras pa akong mag scroll. And damn it, my lips moved on its own when Dion posted a story and tagging me with it!
Dion
Happy birthday, my muse. ♥️
Ginamit niya iyong picture namin sa phone ni Kaira na nakaakbay siya sa akin. I felt my blushing cheeks and I couldn't help but to grin at it. Sumandal ako lalo at huminga nang malalim. Relax! Si Dion lang 'yan! Pota.
"Lah, si ate kinikilig!"
Nanlaki ang mata ko at nilipat ang atensyon kay Jake na may nang-aasar na tingin sa akin. "Echosera ka talaga, 'no."

BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...