Chapter 37

152 3 0
                                        

And with that comes the day that I never would have guessed.

Dion has completely cut me off.

Mabigat ang mga sumunod na araw ko dahil bukod sa malungkot ay pagod din ang utak at katawan ko. It was really hard to smile at the camera while your heart was hurting. Kahit ngumiti ako nang panandalian, kitang-kita sa mga mata ko ang pagod.

Naiintindihan ko naman ang gustong mangyari ni Dion. Dahil tama siya, noon ko pa pinapangarap ito. I chose this life, to live in Manila and pursue my passion. Hindi man natuloy ang college ko, binigyan naman ako ng panibagong pagkakataon para tuparin ang gusto ko.

At kasama pa rin doon ang iwan si Dion.

So, why would I come back to him like I didn't just hurt him years ago? Ang kapal naman ng mukha ko.

"Remember, smile, ha? Smile for the fans. This is our last promotion. We're on the better side, Ayah."

Hindi ko matignan nang maayos si Direk. Malaki pa rin ang galit ko sa kaniya at sa aking sarili. Tangina lang kasi, bakit ako pumayag sa collab na 'to? Masyado naman ata akong na-excite.

One step at a time, Ayah. Stop biting more than what you can chew.

"Direk, can I have a moment with Ayah?" nilingon ko si Zyle sa tabi ko.

Pumayag naman si Direk pero saglit lang daw. Iniwan nila kami sa loob ng dressing room. Kunot-noo ko namang tinignan si Zyle nang maiwan kaming dalawa rito.

"You look weary. Have you been able to sleep?" he said with a hint of concern.

"Okay lang ako. Kaya pa naman 'to. Last na, diba?"

"Ayah..." he suddenly rubbed his nape. "I'm afraid it's not."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Anong hindi?"

"They wanted more collab. Hindi ka nila pakakawalan hangga't trending ang ship."

"Tanginang 'yan." I scoffed. Hindi ko na pinansin kung nagulat siya sa pagmumura ko. Tanginang management 'to!

"I'm really sorry...that I dragged you into this." humina ang boses niya.

"Eh ano pa nga ba? May magagawa ba 'ko?" nagsalubong ang mga kilay ko. Naiirita na naman ako! Sumabay pa sa inis ko ang lecheng management na 'yan.

"Ayah, Zyle, magsisimula na. Lumabas na kayo d'yan."

Nagkatinginan lang kami saglit ni Zyle bago kami sabay na lumabas ng dressing room. Wala kaming imik sa isa't-isa. I could feel the coldness of our environment. No one really dared to speak up.

At kahit nang makarating sa stage ay para lang kaming nagpa-plastikan. Eventually, more fans started to show support for us. Hindi ko alam kung anong ginawa ng management para tigilan ng mga fans si Dion. Pero okay na rin siguro 'yon para hindi madamay ang Dion ko.

Dion ko?!

So what? Para sa akin, he's still mine. Subukan lang ng Beatrice na 'yan na agawin si Dion, gagawin kong panda 'yung mukha niya. De s'yempre joke lang 'yon.

"Ang tanong ng mga fans, what's the score, Ayah and Zyle?" excited na tanong ng host.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zyle na parang nakikisabay siya sa asaran ng mga tao. Mas lalong umingay ang crowd dahil binigay ni Zyle ang gustong sagot ng mga tao.

"Still getting to know each other. But as for me, you know it guys, it's like a dream come true."

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung sinabi niya ba iyon para sa fans o totoong galing sa puso niya. Ever since he confessed to me, parang lahat ng sasabihin niya tungkol sa amin, natototoo ko.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon