Chapter 30

45 0 8
                                    

HINDI mawala iyon sa isip ko. I tried to brush it off but my mind controlled me, and therefore, I started to lose myself in the waters.

I looked around the room but all I could see was my reflection from the mirror nearby. I started to shrink as those thoughts clouded my mind and my breathing faltered as I started to submerge under the ocean of my own thoughts.

Ang bigat ng mga sandaling ito at pakiramdam ko, nalulunod ako sa gitna ng malawak na karagatan. Kahit subukan kong ibuka ang bibig at magsalita, hindi ako makapagsambit ni isang salita dahil wala namang taong nakahihinga sa ilalim ng dagat.

Ang mga pangyayari nang mamatay ang papa ko, ang mga panahon na hindi kami magka-unawaan ni mama, ang sunog, ang Shamya's Corporation...

Lunod na lunod na ako.

Pinikit ko ang aking mga mata at isa-isa na namang kumawala ang mga mainit na butil ng luha mula sa mga mata ko. Ang sakit-sakit na ng puso ko. Pagod na pagod na rin ang katawan ko. Higit sa lahat, nagisisimula na akong tumalikod sa bukang-liwayway.

Nagising ako nang alas tres ng madaling araw. Marahil sa sobrang pagtulog ko sa hapon, bigla nalang akong nagising dahil sobra pa sa sapat ang tulog ko. I looked at the date and my heart fluctuated when I saw it.

Happy Valentine's Day to my bwibwi 🩷

Marahan akong bumuntong hininga. Paano ako ngayon magiging masaya sa araw ng mga puso kung ganitong nagluluksa ito?

Lumabas nalang ako ng kuwarto para sana magbanyo. Pero nang pagdating ko roon ay nadatnan ko si Dion na nakatalikod at naghahanap ng pagkain sa ref. Hindi ko alam pero simple akong napangiti nang makita siya.

I went towards him and hugged him from behind. Bahagya pa siyang napatalon sa gulat pero nang lumingon siya ay lumamlam ang tingin niya sa akin.

"You scared me." he faced me and hugged me back. "Nagising ka ba? Maingay ako?"

I shook my head. Magkatabi lang kasi ang mga kuwarto namin. Siguro ay nagpapatugtog siya kanina kaya akala niya ay nagising ako.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko.

"I couldn't sleep. Gusto mong kumain? Luto tayo canton?"

Napangiti ako at tumango-tango na parang bata. Nagluto si Dion ng pancit canton at tinulungan ko siya. Pero nang makita ang pagsindi ng apoy, bigla akong napa-atras.

Faint scenes from the house fire started appearing in my mind. Tila ako ay nanghina at nanlambot. I've always considered myself to be a strong-willed person. But I don't understand why do I have to tremble from the mere sight of a fire.

"Ayah? What happened?" agad na pinatay ni Dion ang kalan at inalalayan ako. Pinaupo niya ako sa high chair sa may island nila at doon ay pinakawalan ko ang malalalim kong paghinga.

"Was it the fire? Did something trigger you?"

Tumingin ako sa lapag at nagpakawala pa ng ilang paghinga. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin. I feel suffocated.

"H-hindi naman dapat, diba? Malakas a-ako, eh! Bakit ako naaapektuhan?" impit akong umiyak.

Dion comforted me. He kept caressing my hand to calm me. Hindi siya nagsasalita dahil alam niyang hindi ko kailangan no'n. Ang kailangan ko lang ay ang pakikinig niya.

Kilalang-kilala ako ni Dion.

"H-hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa apoy...ayoko ng ganito, Dion. Ayaw kong matulad kay mama..."

I've seen it firsthand. Malaki ang epekto ng trauma ni mama sa apoy kaya sa lahat ng bagay, hangga't maaari ay iniiwas namin ang apoy sa kaniya. Ayokong maranasan iyon dahil paano ako kung magpapatalo ako sa mapait kong karanasan?



Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon