Mahal kong Alleia,
Sabi nila, may dalang hiwaga raw ang mga salita. Kaya nais kong subukan na kausapin ka gamit ang ganitong mahika. Ipagpaumanhin mo sapagkat hindi ako sanay sa lenggwaheng tagalog, pero gusto kong ihatid ang mensahe ko sa pinaka tradisyunal na paraan, na siyang hinihiling mo. Maligayang araw ng mga puso, aking sinta. Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi ko habang sinusulat ang liham na ito. Naalala ko ang gabi kung saan una kitang nasilayan. Isa lamang akong manunulat na humahanap ng inspirasyon kaya napadpad kung saan. Nais kong gumawa ng tula tungkol sa dehumanisasyon pero nang nakita kita, mas naibigan kong gumawa ng tula tungkol sa paghanga. Kabababa mo lamang mula sa bangka. Pareho tayong may dala-dalang kwaderno sa kamay. Ang aking hinuha ay isa ka ring manunulat kaya labis akong humanga. Ang tanawin ka mula sa malayo ay parang isang senaryo sa nobela. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili at ang lahat ng tula ko ay ikaw ang naging paksa.
Hindi ko mapigilan ang sarili na basahin nang ilang beses ang liham sa akin ni Dion. Hindi mapakali ang puso ko at parang may kumikiliti rito habang binabasa ko ang mahabang liham na ito. Umabot ng limang pahina ang liham at hindi niya talaga ako tinipid sa mga salita. Inilahad niya sa liham ang mga pagkikita namin, ang mga biro at tawanan, ang mga dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. Pakshet, kinikilig ako!
Hanggang sa tayo ay napalapit na sa isa't-isa, at ang munti kong paghanga ay sadyang lumalim na. Sabay nating kinaharap ang mga problema at doon ko napagtanto na nais kitang protektahan at ipaglaban. Maihahalintulad ka sa isang magandang imahen; isang halimbawa ng sining. Ang katatapos lang na pinipintang larawan na nais mong protektahan mula sa aksidente, katulad ng natapong kape. Nais mong bantayan palagi at pagmasdan ang iyong likha. Ganoon ko pagmasdan ang iyong larawan, Alleia. Ganoon ka kaganda sa aking paningin.
"Dahil ang pag-ibig ay mapagpalaya, ang ibigin ka ay pakikibaka."
Malalim na ang aking nararamdaman, at nais na ng puso kong makilala ka. Alleia, kung iyong pahihintulutan, gusto sana kitang pormal na ligawan. Nais kong gawin ito nang tama dahil gusto kitang mahalin sa pinakamagandang paraan.
Nagmamahal,
Angelo Dion Montano
Pilit kong pinigilan ang aking pagngiti. Gosh, it has been months since he gave this to me! Hindi pa rin ako makamove on. Hindi pa rin ako makapaniwalang dalawang buwan na akong nililigawan ni Dion. Gusto ko nanga siyang sagutin pero nag-eenjoy pa akong gawin siyang alipin, dejoke lang. Tingin ko naman, hindi naman magbabago ang pagsasama namin kahit sagutin ko pa siya.
But I am enjoying this stage. Ang sarap sa feeling na maligawan, lalo ng taong gusto mo. Tama sina Francine dahil effective pala talaga magparinig sa facebook. Nagshare lang naman ako ng love letter, tangina binigyan pa talaga ako. Kaya pala nahihiya siyang basahin ko iyon sa harap niya ay dahil doon niya tinanong nang pormal kung puwede niya akong ligawan.
Kaya nang sinimulan niya na ligawan ako nang pormal, ginawa niya rin ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng isang manliligaw. Kapag may pagkakataon ay hinahatid niya ako sa school at sabay kaming pumapasok. Pero kapag uwian, palagi kaming sabay dahil minsan ay tinutulungan niya ako sa kamalig. Minsan, kasama namin si Gabby at kapag nagde-date kami ni Dion, putangina kasama rin siya. Thirdwheel nang taon 'yan, si ate ko.
"Ate antagal naman ni kuya Dion! Sabi niya lagi maaga siya pero 3 PM na." pangungulit sa akin ni Jake. He keeps on poking my side.
"Traffic daw kasi. Wait ka lang, konti na lang ah?"
Mas lalong bumusangot ang kaniyang mukha. Gusto ko tuloy tawanan siya nang malakas. Lakas magtampo, eh ako 'tong nililigawan! Charot lang.
"Pag 4 pa siya dumating 2 hours nalang kami makakapaglaro ng basketball. Pag 5 siya dumating, 1 hour nalang!"
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...