ako nalang kasi
21 Febsaktan mo na ako
ikahiya mo na ako
paiyakin mo na ako
pero ito ang tandaan moDanish Alleia Arzaga
di ako papasok bokas
34 reacts 2 comments 1 share
Gabriel Velasco
pake namin bakit importante kaba
Kaira Leriz Abrina
gago kanino ako kokopya
Nireplyan ko si Kaira at binalewala ang pangit na nagcomment.
Danish Alleia Arzaga
sabi ng matalino
Taenang 'to, siya nga itong matalino. Ako, maganda lang. Tawang-tawa ako sa mga pinagsheshare ko. Kapag ganitong mga oras talaga lumalabas ang mga aolid na memes at shitposts. Nakaka-ilang share na rin ata ako. Dito ako naging active sa main account dahil wala lang, trip ko lang.
Maging sa facebook pala ay finollow ko rin si Daniel Zyle Jocson. Famous pala talaga siya, 'no? Hindi ko talaga napansin iyon. Buti nalang nagconcert siya sa amin. May bago na naman akong iii-stan.
I was scrolling through my facebook feed when Zahra messaged me. Ni-long press ko muna siya dahil baka mag-aya na naman iyon ng inom. At gaya ng inaasahan ko,
Zahra Venice Montano
hi...
tra inom
nagwawave na ung gin bilog oh
[sent a photo]
I just rolled my eyes and chuckled a little bit. Lasinggera talaga itong babae na 'to. I wonder if Dion also drinks? Katulad kaya siya ng kapatid niya?
Ni-replyan ko nalang si Zahra na next time nalang ako. Nang i-back ko ang messenger ko, nakita ko ang bagong note sa messenger ni Dion. Napakunot ang noo ko nang makita iyon.
Dion
;(
Ano na namang trip nito? May nangyari kaya sa kaniya? Well, nevermind. It's just a note. I shouldn't be affected by it. Ang assumera ko naman kung isipin kong para sa akin iyon kahit sobrang labo naman.
I put my phone on silent. Nag-DND ako. Maaga pa kasi ang pasok bukas at sa totoo lang, medyo kinakabahan ako dahil sa pagpayag kong magcoffee shop kami. Hindi pa nga napapagplanuhan iyon pero alam kong mero'n. May plano. Bahala na bukas. Sana hindi talaga kami makita.
I gathered all my thoughts and heaved a long sigh. I am nervous as hell. I shouldn't feel this way. Si Dion lang 'yon!
Sinubukan kong matulog at hindi na iyon isipin pa. But I guess, things will never say yes to me. Even with him.
I woke up from my father shaking me. I am still half asleep. I thought it was just him waking me up because I am late for school but...
"Mama!" nataranta ako at nawala ang antok sa buong sistema ko.
Nagwawala si mama!
At nasa kusina siya!
"Mama! Tama na po, ma!" my heart was breaking into pieces and my mind was clouded. Isa lang ang nasa isip ko. Kailangan kong ilayo si mama sa kalan!
"Nagising ako sa amoy ng nasusunog. Pagkakita ko, nagwawala na siya!" paliwanag ni papa.
Sabay naming hinila si mama palayo sa kusina. Hindi ako makapag-isip nang ayos. Nakita ko ang lapnos sa braso ni mama. Sinubukan niya sigurong patayin ang kalan pero mas lalo lang lumala ang apoy.

BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romantik"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...