"YIEEEE, congratulations guys!"
Kanina pa ako pinagtutulakan ng mga hayup na 'to kay Dion. Ang lakas ng audience impact namin! Maging ang mga judges, kinilig ang tumbong. Eh di ayon, nanalo kami!
"Congrats, Mr. and Ms. STEM!" sabay kaming lumingon ni Dion nang marinig ang boses ni Ma'am Reena. She had this wide smile to show us how proud she is.
"Ang ganda ng performance niyo, ah? Part ba ng acting ang pagkagulat ni Ayah?" nanunuksong sambit ni Ma'am.
Agad akong nakaramdam ng init ng pisngi kaya naman mabilis akong umiling. "Pakulo niya po 'yon, kaya pala kinakabahan ang mokong."
I heard Dion's soft laugh by my side. "It was a last-minute decision. But it turned out fine, kaya worth it iyong kaba."
I nudged him playfully to hide my embarrassment. Kainis! Hindi mawala sa isip ko ang moment na 'yon. The moment he started strumming that well-known OPM song, the crowd already knew what it was, that's why he got their attention.
I wouldn't deny, that was a big factor for our success. Nanalo kami dahil sa crowd engagement na iyon. Kaya nga hanggang ngayon, inaasar pa rin kami ng mga kaklase namin.
"Mag-aminan na kasi kayo!" rinig kong sigaw ni...sino pa ba? Edi si Gabby.
"What if mauna ka?!" sagot ko naman sa kaniya. At ayun, nanahimik ang loko. Akala niya, huh! 'Wag niya kasi akong sisimulan. Alam ko ang kahinaan niya.
"Ganda ng trophy mo, Ayah!" natabunan ang usapan namin ni Gabby nang muli kaming ginulo ng mga kaklase ko. They were all fussing about our trophy. Some of them were still teasing me with Dion.
"Picture muna kayo kasama ng trophy!" ani Kaira. At dahil sa sinabi niya...
"Aray ko, tang–" I bit my lower lip before muttering a cuss. Jusko dai, nandito pa si Ma'am! Pasmado talaga ang bibig ko lagi!
"S-sige na nga!" palusot ko.
Tinulak ako nang mga kaklase ko kaya tumilapon ako kay Dion. Good thing his reflex was fast! Agad niya akong nasalo kaya mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa pagsalo sa akin ni Dion. He was holding both of my arms. Napalunok nalang ako at umayos nang tayo. Ibinaba niya rin agad ang mga kamay niya. I managed to catch a glimpse of the redness of his face before he turned his face away from me.
"Game na!"
"Ako na magpicture! May DSLR ako." ani Jethro. "Ipo-post ko na rin ito sa school bulletin. Para may ma-cover akong article." oo nga pala, photojourn siya. Tangina, kailangan maganda ako rito! Baka hulas na ang makeup ko, huwag naman sana.
"I will hold it," Dion said. Kinuha niya ang trophy namin mula sa kaklase namin at tumayo na siya muli nang maayos. As for me, I put my hand on my waist and practiced my smile.
"Closer pa!" reklamo nila. Mga ulol! Anong closer? Eh magkadikit na nga kami halos!
"Ma'am, ang layo diba?" sumbong nila kay Ma'am Reena.
I gasped. Mga tarantado!
Ma'am Reena chuckled a bit. I inhaled softly. "Ma'am, mga tukso talaga 'yan, oh." turo ko sa mga pangit.
"They weren't wrong, though. How about you lean closer, Dion?"
Aba't!!!
Nanlaki ang mga mata ko. Pati ba naman ikaw, Ma'am? Baka gumawa ka pa ng club at ikaw ang club adviser, paawat ka naman, Ma'am!
"Okay na po?" I stiffened when Dion leaned closer to me. Mas lalo ko siyang naamoy. It was so manly. Ang bango-bango niya! Huhu.
"Okay na!"
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...