Chapter 28

45 0 0
                                    

Facing a powerful storm in the midst of the sea is like putting a poison in your mouth when your stomach is empty. Risky. It is full of uncertainties. Whether you stay alive or you will drown, no one will be able to tell.

The sea is your surface. The storm is your enemy. It will never be the sea that will kill you.

"Pasok po kayo, Ma'am."

Hindi ko pinansin ang babaeng nagbukas ng pinto para sa akin. Weeks after New Year, we faced another problem. Ang usapan nila mama ay 70% ng kita ay mapupunta sa amin. Pero bakit ngayon ay naging 50/50? Wala naman iyon sa napagkasunduan!

Galit ang mga mata kong tinignan si Abraham Villador na prenteng-prenteng nakaupo sa kaniyang upuan. Batid kong nakita niya na ako pero alam kong sinadya niyang hindi ako tignan. B'wisit na matanda!

"Took you long enough," he switched his gaze to me. "Anong sadya natin?"

"Bakit naging 50% ang share sa inyo? Wala na nga kaming kitain sa kamalig!"

He scoffed at me. "You should be careful with your words, young lady. You're still in my territory." he taunted me. "You might never make it out alive."

My body stiffened when his eyes darkened. Nakaramdam ako ng kakaibang takot sa puso, na parang biglang umatras ang tapang ko. Kumukuha nalang ako ng lakas ng loob sa mga kamay kong nakayukom.

"Wala sa pinag-usapan ang 50% share. 30% lang ang sinabi niyo."

"Bastos ka rin talaga, 'no? Manang-mana ka sa nanay mo." nagpintig ang tenga ko nang marinig iyon. Pero nagpatuloy pa siya. "Gan'yang-gan'yan katabil ang bunganga noong nakakapagsalita pa. Tignan mo ang nangyari ngayon, nakarma, napipi pa." he gave me a smug gaze.

Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sobrang pagkagulat. Kilala niya ang mama ko. Alam niya ang nakaraan niya. Sino ba siya?! Sino ba sila sa buhay ng mama ko?

"Kami ang gumagastos sa pagpapa-extend ng kamalig niyo. Don't you think we're just getting what we deserve? After all, kayo rin naman ang nangulit sa akin na ituloy ang collaboration. Kung tutuusin, pinagbibigyan ko lang kayo. You know, considering your...circumstances."

He must've been talking about the death of my father. Malaki ang hinuha ko na sila ang may pakana noon. Lalo na ngayong nakausap ko siya, nakita ko kung gaano kasahol ang ugali ng may-ari ng Shamya.

Magsasalita sana ako kaso tumayo siya. "Alam mo, Alleia...madali lang naman sana ito kung hindi ka masyadong pakielamera. You never know, the same thing might happen to you."

My brows furrowed instantly.

"You never know, the same thing might happen to you."

Is he talking about my father?

Or is he talking about something else?

"Let's settle it. 50% share, but we'll give you five more fishing boats. How does that sound, hm?" he smirked at me.

Hindi ko gusto ang suhestyon niya. Pero gusto ko ring makalabas ng buhay. I suddenly realized how small I was compared to him. Kung gusto ko siyang patumbahin, pakiramdam ko sobrang imposible ng mga naiisip ko. Sino lang ba ako kumpara sa malaking corporation na ito?

In the end, I went outside the building with more questions. Ang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin. Tumawag si Dion at sinabing naroon siya sa bahay. Wala ata siyang magawa kaya binisita niya ako.

Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko silang nagkukulitan ni mama. She was teaching him how to crochet. Pero sa nakikita ko, palagi siyang nagkakamali.

"Ayos trip mo ah." bati ko sa kaniya.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon