"THIS will be your room, Zahra and Alleia. Si kuya, doon na sa kuwarto namin at may extrang kama naman doon. Daddy Kai will be here soon. But for now, you can stroll at the seaside."
Nagliwanag ang mga mata namin ni Zahra. Matagal ko na rin kasi talagang pinapangarap ang makagala sa seaside. Nagrent si tita Dia ng hotel sa Conrad dahil malapit lang ito sa SMX. Bukas daw ang start ng book signing niya kaya ngayong gabi, magpapahinga muna kami.
Nag-unahan kami pababa ni Zahra. Dion was just casually walking pero hinila ko siya kaya para kaming mga bata na nagtatakbuhan. Eventually, we reached the seaside. Ang daming tao rito at sobrang ganda dahil gabi na.
The city lights from the distance are visible in our eyes. The chatters of people and shouting from the rides filled my ears with satisfaction. I am in Pasay!
"Rides tayo!" aya ko.
"Hala, may fear of heights si kuya!"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko ata 'yon alam, ah.
"Seryoso?"
"Oo. Diba, kuya?"
Dion shook his head. "Okay lang. Saan mo gusto?"
Nginitian niya ako pero parang napipilitan lang siya. Ayaw ko naman ng ganoon. Kaya umiling nalang ako at hinawakan ang kamay niya.
"Tinamad ako. Street foods tayo!"
I don't know how to explain, but Dion's eyes held so much affection. He squeezed my hand and he whispered, "I love you."
Hindi ko alam kung bakit, pero hinayaan ko nalang din. Zahra was busy taking pictures of the place and maybe that's why he had the confidence to be this affectionate.
Bumili kami ng mga street foods. Ang pinili ko ay corndog kaya iyon ang kinakain namin habang naglalakad. It was a busy street. Maraming nag jojogging, maraming nakaupo sa breakwater, mga taong naghihiyawan dahil sa nakakamatay na rides, at may mga nag kukuhanan din ng litrato. Some even brought their pets. It was so lively, even in the middle of the night.
"Picturan ko kayo, ate!" kinuha ni Zahra ang phone ko.
We both smiled at her. Pumwesto kami sa may gilid at kumuha ng magandang anggulo si Zahra. "Lapit pa onti! Magjowa ba talaga kayo?!"
"Hoy, hindi naman talaga!" tanggi ko.
I heard Dion's soft laugh and he pulled me by the waist. I pressed my lips together. Kinikilig ako, p'wede ba.
"Ate, yakapin mo siya!"
"Lah! Baka sabihin PDA." tanggi ko.
"Walang may pake dito, ate. May sariling mundo 'yang mga 'yan! Just do whatever you want!"
"Oh really, whatever?" Dion said in a low voice.
Nagulat nalang ako nang iharap niya ako sa kaniya at halikan ako sa harap ng maraming tao. Yawa!
"Nice one kuya!"
I was blushing so hard when he pulled away from the kiss. Agad niyang kinuha ang phone ko at nang silipin ang ginawa niya ay nanlaki ang mga mata ko. In-upload niya iyon sa IG ko!
"Hoy, Dion! Nakakahiya!"
"Zahra, catch!"
My eyes widened when he threw my phone to Zahra. Halos mangunti ako na baka malaglag iyon pero thank God, nasalo ni Zahra! Tangina talaga ng magkapatid na 'to!
"Gago kayo, i-delete niyo 'yon! Makikita nila clingy side ko!"
"Bleh! Gagala muna ako mag-isa. Pa-picture ako ate ah, mas maganda phone mo, eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/368030000-288-k320489.jpg)
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...