Chapter 1 part 2

58.7K 1.1K 22
                                    

A.N.

Happy reading guys ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments :)

_________________________________


Chapter 1 part 2

Maagang umuwi si Lynette ng araw na yun kailangan niyang makapagpahinga dahil simula bukas ay pansamantalang dalawa ang trabaho niya.



Inabutan niya ang mga magulang na masayang nagkukwentuhan sa sala. She was smiling while looking at them and at the back of her mind she's hoping that someday she could find someone who will love her without reservations.




"Lynette, ang aga mo yata ngayon. Tapos na ba ang lahat ng mga kailangan mo para sa school opening." Nakangiting tanong ni Julie sa anak.




"Hindi pa nga po mommy kaya lang madaling araw ang pasok ko mamaya." Nilapitan niya ang mga ito para magmano.




"Pagpasensiyahan mo na ang kapatid mo anak, alam mo naman na ang tagal na nilang pinagplanuhan ang trip nila." Pagpapaunawa ni Ramon.




"I know that dad, kaya nga hindi na ako nagreklamo." Maluwag na nginitian niya ang mga magulang.




"Lynette, may tatanungin sana ako sayo anak." Alanganin ang tinig ng kanyang ina.




"Tungkol saan mommy?"





"Anak, kailan mo kalilimutan si Xander? Gusto namin ng daddy mo na bumalik yung dating Lynette na masayahin."





"Mommy, wala na si Xander sa sistema ko. He's just my past." Pangungumbinsi ni Lynette sa ina. Pero sa totoo lang tuwing naaalala niya ang nakaraan kahit walong taon na ang lumipas ay patuloy pa rin siyang nasasaktan.




"Hija, don't let your past relationship ruin your future happiness." Payo ni Ramon sa anak.





Tumango na lamang si Lynette pagsang-ayon sa sinabi ng ama.



Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon