Chapter 33 part 1
Mula sa NAIA ay sa Tagaytay na dumiretso ang mag-asawa at habang nasa biyahe ay wala silang kibuan lalo na si Lynette na panay ang buntong hininga. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos na maisip na tuluyan ng nawala ang lahat ng pinaghirapan niya.
"Sweetheart, don't worry everything will be alright. Gagawan ko ng paraan na magkaroon ng temporary classroom ang mga bata." Pang-aalo ni Xander sa asawa. Tuwing nakikita niyang malungkot ito ay nasasaktan din siya.
"Hindi ko alam kung paano magsisimula muli ang STA." Malungkot na pahayag ni Lynette bago isinandal ang ulo sa dibdib ni Xander. Kahit na paano ay napapanatag ang loob niya kapag nasa tabi niya ito.
"Sir, saan po tayo tutuloy?" Magalang na tanong ng family driver ng mga Almonte. Ito ang nautusan nina Dennis at Emer na sumundo sa mag-asawa mula sa airport dahil mauuna na raw ang mga ito sa Tagaytay.
"Manong, diretso po tayo sa STA." Maagap na tugon ni Lynette.
"Sweetheart, hinihintay tayo nina papa at mama sa bahay ninyo." Ang plano sana ni Xander ay hahayaan munang makapagpahinga ito dahil magmula ng malaman nito ang masamang balita ay hindi na tumigil sa kaiiyak.
"Gusto kong makita kung gaano kalala ang damage ng sunog para alam natin kung ano ang puwede nating gawin."
"Ako ang mag-aasikaso..."
"Xander, hindi rin ako mapapakali sa bahay." Pakiusap ni Lynette.
Walang nagawa si Xander napailing na lamang siya. "Okay, pero hindi tayo magtatagal doon." Pagpayag niya.
Tumango na lamang si Lynette bilang pagsang-ayon sa gustong mangyari ng asawa.
NANG makarating sila sa site ay lalong nanlumo si Lynette sa nakita. Walang natira kahit na anong structure na nakatayo, talagang naabo ang buong STA. Kasalukuyan silang nakatayo sa dating gate ng paaralan.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.