A.N.
Please don't forget to vote and leave your comments :)
_________________________
Chapter 2 part 1
Pakiramdam ni Lynette ay pagod na pagod siya, nakakaisang araw pa lamang siya bilang reliever ng kapatid ay exhausted na siya. Kahit na inaantok pa siya ay napilitan na rin siyang bumangon lalo ng maalala niya na may meeting siya sa mga teachers niya.
"Good morning mommy." Masiglang bungad ni Lynette ng maabutan ang ina na nakaupo sa kanilang balkonahe habang nagbabasa ng paborito nitong libro.
"Mag-almusal ka muna bago pumasok. Nakapagluto na si Diday." Sabay tawag ng ginang sa kasambahay.
"Mommy, sa school na lang ako kakain. May meeting kami ng 8am nakakahiya naman kung ako ang malelate. Pakisabi na lang kay daddy na nauna na ako." Pagkatapos bigyan ng mabilis na halik sa pisngi ang ina ay nagmamadali na niyang tinungo ang kanyang kotse.
"Lynette, take care. Tawagan mo ako pagdating mo sa school." Habol na bilin ni Julie sa anak. Hindi niya alam kung bakit may kakaibang kaba siyang nararamdaman. Nakakasiguro naman siyang maayos ang lagay ng dalawang anak na nasa bakasyon dahil katatapos lamang nilang mag-usap kanina.
Pagdating ni Lynette sa St. Thomas Academy ay kumpleto na ang faculty members niya, nandun na rin ang tumatayong principal ng school.
"Good morning!" Masigla niyang bati sa mga ito pagpasok niya ng conference room.
Sabay sabay din na nagbigay galang sa kanya ang bawat isa na nasa loob ng silid. "Let's start with our agenda." Simula ni Lynette. Seryoso siyang nakikinig sa report at suggestions ng bawat isa ngunit napasinghap siya ng marinig ang sinabi ng kanilang principal.
"Bakit daw ako gustong makausap ni Atty. Castro?" May kabang bumundol sa kanyang dibdib sa pagkakaalam niya ay updated ang bayad niya sa rent ng STA.
"Ma'am, pinapasabi niya na gusto na daw ibenta ng may-ari ang lupa na kinatatayuan ng STA. Dahil tayo ang kasalukuyang tenant kaya tayo daw ang priority niya kung gusto natin itong bilhin." Paliwanang ni Mrs. Valdez ang tumatayong principal ng STA.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.