Chapter 35 part 1
Nanlulumo si Lynette ng marinig ang resulta ng imbestigasyon, napag-alaman niya na hindi aksidente ang pagkasunog ng STA kundi may taong dapat managot dito.
"Xander, isang tao lang naman ang alam kong may galit sa akin." Komento niya habang binabasa ang report ng imbestigasyon.
"I know kung sino ang pinaghihinalaan mo. Its Bernadette right?" Napabuntong hininga pa si Xander ng lapitan ang asawa sa kinauupuan nito.
"I'm sorry, alam ko na may pinagsamahan kayo at may anak na nagbubuklod sa inyo. Kaya lang siya lang ang taong alam kong may galit sa akin." Alanganing pahayag ni Lynette; pilit niyang itinatago ang sakit na nararamdaman niya tuwing maaalala ang nakaraan ng mga ito.
Marahang kinabig ni Xander ang asawa at inihilig niya ito sa kanyang dibdib. "Sweetheart, ayokong isipin mo na kakampihan ko si Bernadette dahil hindi mangyayari yun. Ikaw ang asawa ko kaya kahit na anong mangyari I'll be on your side....and one more thing I want to let you know na hindi ko anak si Bryan."
Napasinghap si Lynette sa narinig. "What do you mean?" Naguguluhang tiningala niya si Xander at nang magkasalubong ang kanilang paningin ay hindi niya maipaliwanag ang emosyong nakikita niya sa mga mata nito.
Matamis nginitian ni Xander ang asawa at mabilis na ginawaran ng halik sa mga labi. "Bago tayo ikasal nalaman ko na ang resulta ng DNA test. Sweetheart, it was negative, kaya wala kang dapat ipag-alala na may makakahati ang mga magiging anak natin." Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayapos dito.
"Kung hindi ikaw ang ama ni Bryan... sino?" Nakakunot ang noong muling tanong niya pero sa kabila ng lahat ay masaya siya.
Nagkibit balikat na lamang si Xander. "I don't know at ayoko ng pag-usapan ang tungkol dito dahil naaalala ko lang ang mahabang panahon na panloloko sa akin ng babaeng iyun. Kung puwede ko lang ibalik ang lahat babalikan ko ang mga araw na magkasama tayo, iyung mga panahon na Masaya tayo." Puno ng pagsisisi ang tinig ni Xander.
Umayos ng pagkakaupo si Lynette at malungkot na tumingin sa mga halaman ng kanyang mommy na kasalukuyang namumukadkad ang mga bulaklak. "Kaya lang hindi na natin maibabalik ang nakaraan at ang mga nangyarui sa atin noon ay ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob...pero ko akalain na ang nakaraan na iyun ang sisira sa aking nasimulang pangarap." Malungkot na pahayag ni Lynette.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.