Chapter 25 part 2
Natapos ng maghapunan ang pamilyang Alcala ay wala pa rin kahit anino ni Xander, hindi na umaasa pa si Lynette na sisiputin nito ang daddy niya. Akmang tatayo na siya mula sa hapag kainan ng marinig niya ang tinig ng kanyang ama.
"Lynette, darating pa ba si Xander?" Naiinip na tanong ni Ramon sa anak.
"Hindi ko po alam daddy baka naipit po sa meeting." Pagdadahilan na lamang niya.
"Ang sabihin mo talagang wala siyang pakialam sa iyo dahil ang buong akala niya ay kayamanan niya lang ang habol mo sa kanya. Ang hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo ginawa ang kalokohang ito." Halata ang pagkayamot ni Ramon sa anak.
"Ramon...napag-usapan na natin ito di ba?" May pang-uusig na tinapunan ng tingin ni Julie ang asawa.
"What's going on?" Nagtatakang nagpapalipat-lipat ng tingin si Justine kina Lynette at sa mga magulang nila. Kanina pa niya nararamdaman na may kakaibang nangyayari na hindi niya alam.
"This is not your business young lady, pumasok na kayo sa kuwarto ninyo." Pagtataboy ni Ramon sa dalawa pang anak.
Napakamot na lamang sa ulo ang dalawa bago tumalima sa ama. Susunod na rin sana si Lynette sa mga kapatid ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan sa labas ng gate nila. Parang biglang natanggal ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib, nasisiguro niyang si Xander ang dumating.
"Umakyat ka na rin sa kuwarto mo, hindi mo na kailangang marinig ang pag-uusapan namin ng lalaking ito." Utos ni Ramon sa anak.
"Daddy..." May pag-aatubili sa tinig niya. Ngayon lamang niya nakitang nagalit ng ganito ang ama kaya nag-aalala siya para kay Xander.
"Sige na anak, kami na ang bahala ng daddy mo rito, huwag kang mag-alala kakausapin lang namin si Xander dahil may isang bagay kaming nais tiyakin." Segunda ni Julie sa asawa, gusto niya ring iparating sa anak na magiging maayos din ang lahat.
Walang nagawa si Lynette kundi sundin ang nais ng mga magulang kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay umakyat na siya.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.