Chapter 19 part 1

37.9K 850 15
                                    

Chapter 19 part 1

"What's going on here?" Walang kangiti-ngiting tanong ni Emer sa anak. Bigla siyang naalarma sa presensiya ni Bernadette dahil alam niyang laging gulo ang dulot nito sa pamilya niya.






"Hi Tita Emer! It's nice to see you again." Maarteng bati ni Bernadette dito at humalik pa sa pisngi ng matanda.








"Akala ko nasa America ka? The last time I've talked to you halos isuka mo ang Pilipinas, ngayon ano ang ginagawa mo rito?" Prangkang turan ni Emer dito.









"Tita, people change at narealize ko rin na dapat lagi akong nasa tabi ni Xander for the sake of our son." Alam na alam ni Bernadette kung paano inisin si Emer. Wala siyang pakialam kahit ito pa ang pinakamamahal na ina ni Xander. "I know you don't like my presence pero hindi ninyo ako puwedeng ipagtabuyan dahil may karapatan din ako kung ano ang meron kayo." Dugtong pa ni Bernadette.







Napahawak sa dibdib si Emer, nararamdaman niya na naninikip ang dibdib niya dahil sa galit.






Si Lynette na nakikinig sa usapan ay napataas ang kilay ng marinig ang huling sinabi ni Bernadette. Ngayon alam na niya kung ano ang motibo nito at ito ang gagamitin niya para makaganti sa ginawa nitong pang-aahas sa kanya.






"Bernadette, that's not the proper way to talk to my mother." Paninita ni Xander dito. Mula ng nagkaroon sila ng relasyon ay ngayon lang niya nasaksaihan kung paano pakitunguhan ni Bernadette ang ina.





"Huwag ako ang sitahin mo Xander kundi iyang nanay mo. Kung makapagsalita akala mo kung sino, alam ko naman na halos pinilit niya rin ang tito Dennis para pakasalan siya." Matapang na tugon ni Bernadette.







"Enough!!! Wala kang alam sa relasyon ng mga magulang ko!" Namumula na sa galit si Xander.






Mabilis na nilapitan at inalalayan ni Lynette ang matandang babae. "Mama, Iet's go baka mapano ka pa rito." Nag-aalala siya para kay Emer.









"Hindi ka aalis Lynette, we need to talk." Pigil ni Xander dito. Naalarama talaga siya ng sabihin nito kanina na ayaw na niyang ituloy ang kasal nila.








"Mauna na ako sa kotse, kung magtatagal pa ako rito ay baka tumaas lang lalo ang presyon ko. At iyun ang pinakaayaw kong mangyari dahil alam kong matutuwa ng husto ang babaeng iyan." Kay Xander nakatingin si Emer habang nagsasalita. Agad tinawag nito ang assistant ng anak para alalayan siya hanggang basement kung saan naka park ang kotse niya.








"Sa ibang araw na lang tayong mag-usap. At kung gusto mong ituloy ang kasal natin tapusin mo na ang relasyon mo sa babaeng iyan." Pakiramdam ni Lynette ay napakaimposible ang ipinapagawa niya rito dahil may anak na nag-uugnay sa kanila pero kailangan niyang sumugal.




Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon