Chapter 16 part 1
Totoong nagulat si Xander ng marinig ang sinabi ni Lynette ngunit nang mahimasmasan ay muli niyang binalingan ito. "No way!!! Hindi pa ako nasisiraan ng bait sa gusto mong mangyari!"
"Kung ganun wala na tayong dapat pag-usapan." Sabay talikod ni Lynette.
"Magsimula na kayong magbalot wala na akong pakialam kahit saang lupalop mo pa ilipat ang eskuwelahan mo." Pananakot ni Xander sa dalaga.
"Alam ko na mangyayari talaga ito...kaya mas makakabuti kung tatanggapin ko na lang ang inaalok na kasal ni Albert."
Tila naputol ang pagtitimpi ni Xander ng marinig ang binanggit na pangalan ni Lynette. Pahiklas niyang inabot ang braso nito para magpantay ang paningin nila. "Ulitin mo ang sinabi mo." Utos niya kay Lynette.
"Bingi ka ba? Sa dami ng sinabi ko gusto mong ipaulit lahat sa akin." Pamimilosopo ni Lynette, hindi nakaligtas sa kanya ang pagtiim ng bagang ni Xander.
"Damn Lynette! Nakikipag-usap ako sa'yo ng maayos!" Pagigil na sinalya ni Xander sa sofa ang dalaga.
"Ano ba?! Nakakasakit ka na ha!" Akmang tatayo si Lynette ng maagap na tumayo sa tapat niya si Xander. Kung itutuloy niya ang pagtayo ay magdidikit ang katawan nila.
"Stay there! or else hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin." Pagbabanta ni Xander. Kahit kailan talaga ay lagi siyang apektado basta kapag sangkot na si Lynette.
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. At nang hindi na makayanan ni Xander ay siya na mismo ang bumasag. "Huwag mong pakasalan si Albert." Malumanay na ito ng magsalita at tila may pakiusap sa tinig nito.
Marahas na napalingon si Lynette kay Xander. "Hindi ko pakakasalan si Albert kung pakakasalan mo ako." Parang nasisiyahan si Lynette sa nakikitang mga kakaibang reaksiyon ni Xander. Hindi rin siya makapaniwala sa sarili na nasasabi niya ang mga bagay na ito ngayon.
Nahampas ni Xander ang armrest ng sofang kinauupuan at naihilamos sa mukha ang dalawang palad. Iniisip lamang niya na may ibang lalaking hahawak kay Lynette ay parang masisiraan na siya ng ulo. Marahas siyang tumayo at nagpalakad lakad sa maluwag na sala.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.