Chapter 28 part 1
Magmula ng mag-usap sina Xander at Lynette ay halos araw-araw na itong visible sa tahanan ng mga Alcala. At hindi lamang iyun personal na rin niyang inaasikaso ang mga pangangailangan para sa nalalapit nilang kasal na ikinatutuwa ng mag-asawang Alcala.
"Lynette, hindi mo ba sasamahan si Xander para i-check ang venue ng kasal ninyo?" Malumanay na tanong ni Julie sa anak. Kasalukuyan silang nananghalian ng araw na iyun.
"Oo nga naman ate, parang si kuya Xander lang ang ikakasal hindi ka man lang tumutulong sa mga last minute preparation ninyo." Puna ni Justine, wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari kaya nagtataka siya sa inaasal ng kanyang ate.
"Parang ayoko na ngang ituloy ito." Turan ni Lynette habang nakatitig lamang sa pagkain na nasa pinggan.
"Lynette!..." Halos pandilatan ni Julie ang anak.
"Panindigan mo iyan you should know how to face the repercussion of your impulsive decision. Kung sa simula pa lang ay hindi mo na pinahintulutang mangyari ito wala ka sana sa ganyang sitwasyon, kaya lang ikaw pa ang nagbigay ng mga kasunduan." Panenermon ni Ramon sa anak.
"Wait.. I don't get it." Muling singit ni Justine. Tinapunan ng nagtatanong na tingin ang nakakatandang kapatid na nanahimik.
"Huwag mo ng alamin at tigilan mo ang pangungulit sa ate mo, ang mabuti pa bilisan mong kumain ipagdrive mo ako." Nauna ng tumayo ang ginang. Ngunit bago ito tumalikod ay muling binalingan si Lynette.
"Samahan mo si Xander, maawa ka naman dun sa tao." Mahigpit na bilin nito sa anak na sinigundahan din ng kanyang ama.
Naitirik na lang ni Lynette ang mga mata, hindi niya alam kung naiinis o nagtatapo siya sa mga magulang dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng bahay nila. Ngayon ay parang si Xander pa ang pinapaboran ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.