Chapter 36 part 1
Nang makauwi si Bernadette ay may bisita siyang hindi inaasahan, ang taong ayaw na niyang makita kahit kalian.
"What are you doing here?" Mabalasik niyang bungad dito. Inabutan niya itong prenteng nakaupo sa kanyang living room at lalong uminit ang kanyang ulo ng makita niyang hawak nito ang baby album ng kanyang anak. Dali-dali niyang nilapitan ito at hinablot ang tangan.
"Wala kang karapatang pakialaman ang mga personal na gamit ng anak ko!"
"Anak natin!" Mariing pagtatama ni Albert. "At nasa akin ang lahat ng karapatan dahil ako ang ama ni Bryan. Stop fooling yourself Bernadette." Pilit na nagpapakahinahon si Albert kahit na ang totoo ay kanina pa niya gustong pilipitin ang leeg ng babae.
"Puwede ba tigilan mo na kaming mag-ina. I can raise my child without your help...."
"Yes, you're right you can raise our child." Pang-iinsultong tugon ni Albert. Alam ni Bernadette na alam niya ang pinaggagagawang kasinungalingan nito sa mga Almonte.
"Puwde ba Albert tigilan na natin ito. I'm tired ang I want to rest now. Baka nakakalimutan mo na halos hatinggabi na." Mataray na turan ni Bernadette. Kanina pa niya gustong ipagtabuyan ito dahil may mahalagang bagay pa siyang dapat asikasuhin. Ngayong alam na ng mga Almonte ang tungkol sa pagkatao ng anak ay kailangan na niyang magmadali na maisakatuparan ang mga susunod niyang plano.
"I want to talk to my son." May pagkainid na ang tinig ni Albert. Ang sadya niya talaga ay ang makausap ng personal ang anak para malaman ang desisyon nito tungkol sa alok niya ng huli silang mag-usap sa telepono.
"Kanina ka pa nandito, bakit hindi mo pa siya kinausap?" Nakaismid na tanong ni Bernadette.
"Ang sabi ng katulong mo magkasama daw kayong mag-ina." Nakakunot ang noo ni Albert habang titig na titig kay Bernadette.
"No! I had business meeting the whole day. Iniwan ko siya rito kaninang umaga." Nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ni Bernadette, hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na iyun.
"Kung hindi mo siya kasama, then where is my son? Pinagalitan mo ba siya? May mga barkada nab a siya rito?" Sunud-sunod na tanong ni Albert.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
Storie d'amoreSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.