Chapter 16 part 2
Parang wala sa sarili si Lynette habang papasok sa kabahayan nila, hindi niya akalain na masasangkot siya sa ganitong problema na hindi niya alam kung paano malulusutan. Gusto niyang sisihin ang sarili ngayon dahil nagging pabigla bigla siya sa mga desisyon.
"Hoy ate! What's wrong with you?" sita ni Justine kay Lynette nang nasa dulo na ito ng hagdan. Kasalukuyang nasa sala ang buong pamilya ng mga oras na iyun kaya agad nilang napansin na tila malalim ang iniisip nito.
Mabilis na napalingon si Lynette ng marinig ang tili ng kapatid. "Kailan ka dumating?" pilit ang ngiting salubong niya rito bago umupo sa bakanteng pang-isahang sofa na nakaharap sa kinauupuan ng magulang.
"Kaninang umaga pa, ang sabi ng mommy nagkasalisi daw tayo." Punung-puno ng buhay ang tinig ni Justine, excited itong magkuwento tungkol sa bakasyon niya.
Tanging tango lamang ang isinagot ni Lynette. Pinag-iisipan niya na kung ito ang tamang pagkakataon para ipaalam sa mga ito ang tungkol sa napagkasunduan nila ni Xander.
"Anak, bakit mukhang matamlay ka? Kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.
"Wala akong ganang kumain mommy, siguro napagod lang ako sa biyahe." Sabay ngiti rito.
"Kumusta ang lakad mo?" Singiti naman ng kanyang daddy. Kung puwede lang niya na hindi sagutin ang tanong nito ay ginawa na niya. Wala pa siyang lakas ng loob na ipagtapat sa kanila ang pinoproblema niya.
"Okay na dad, nagkasundo na kami ni Xander kaya lang..."
"I told you, mabait na bata iyang si Xander daanin lang sa magandang pakiusap." Putol ng matandang lalaki sa mga sasabihin pa sana ni Lynette.
Lihim na napaismid si Lynette sa tinuran ng ama, masasabi pa kaya nito ang mga papuri kay Xander kapag nalaman niya ang napagkasunduan nila. "Daddy, huwag mong masyadong purihin ang lalaking iyun dahil hindi mo siya lubos na kilala."
"Anak, just be grateful because he granted your request. Kung ano man ang nagging nakaraan ninyo kalimutan mo and move on with your life." Pagpapayo nit okay Lynette na tila wala namang ganang making sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
Roman d'amourSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.