Chapter 7 part 2
"Hi mama! Where's kuya?" Masiglang bungad ni Ella ng makasalubong ang ina sa driveway.
"Nasa library may mga aasikasuhin daw siyang mga documents. Puntahan mo na m dahil kanina ka niya hinihintay." Pagtataboy ni Emer sa anak.
"Saan pala ang lakad mo mama?"
"Magkikita kami ng tita Jesica mo. We have meeting about the charity event." Agad ng nagpaalam sa anak si Emer at mahigpit na binilinan na huwag na munang makipagtalo sa kapatid.
Nagmamadali ang bawat hakbang ni Ella. Kahit lagi silang nagtatalong magkapatid ay namiss niya rin naman ang kanyang kuya.
"Hi kuya!" Masayang bungad niya pagtulak niya sa pinto ng library.
"Hello sis!" Nakangiting sinalubong ito ni Xander at mahigpit na niyakap ang kapatid.
"Mabuti naman kuya naisipan mo ng umuwi?"
"Hindi ako magtatagal dito. I'll just fix our problem in Tagaytay."
"Let me see if you can handle it." Naghahamon na sabi ni Ella. Gustong gusto na niyang sabihin sa kapatid kung sino ang may ari ng STA pero naisip niya na mas masaya kung ito mismo ang makakatuklas.
"Kaya nga pinatawag ko si Atty. Castro para mapag-usapan nating tatlo ang tungkol sa STA."
"Oh God! Kuya naman kadarating mo lang, puwede bang magpahinga ka muna." Reklamo ni Ella.
"Bakit ba marunong ka pa sa akin?"
Naputol ang sasabihin ni Ella ng marinig ang mahihinang katok. Agad siyang lumapit sa pinto para alamin kung sino ang nasa labas.
"Ma'am nasa sala po si Atty. Castro." Magalang na anunsiyo ng isa sa mga kasambahay nila.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.