Chapter 5 part 1
Kahit walang tulog ay halos paliparin ni Lynette ang kanyang kotse. Kanina pa niya gustong umuwi para masimulan na niya ang pangangalap ng impormasyon kay Xander. Sa nakalipas na walong taon ay sinikap niyang iwasan ang mga bagay na makakapagpaalala rito. Ngunit hindi niya ito puwedeng iwasan ng habambuhay lalo na may malaking kaugnayan ito sa STA kaya ngayon pa lamang ay kailangan na niyang ihanda ang sarili sa muling paghaharap nila. Sa ayaw at gusto niya ay mangyayari ito.
Parang wala siya sa sarili habang naglalakad sa driveway nila, nagulat na lamang siya ng muntikan ng mabangga ang ina.
"Lynette, parang ang lalim ng iniisip mo anak." Nag-aalalang tinitigan ni Julie ang anak. Kahit hindi magsalita ang anak ay kitang kita niya sa mukha nito ang pagod. "Is it about the STA?"
"Hindi mommy, inaantok lang ako. Mukhang may lakad ka?" Napansin niyang bihis na bihis ang ina. Hindi muna niya sasabihin ang tungkol kay Xander sa mga magulang dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito.
"I'll visit your tita Janet. Nagtatampo na raw kasi isang linggo na siyang nandito sa Pilipinas hindi ko pa siya napapasyalan. Kakausapin ko rin ang tita mo baka intresado siya sa property natin sa Palawan para makatulong sa...."
"Mommy, we'll keep that rest house. Napag-usapan na natin ito di ba?"
"I just want to help you anak."
Nginitian ni Lynette ang ina. "Magiging maayos din ang lahat, trust me mom. Mabuti pa lumakad na kayo mukhang uulan pa naman." Pagtataboy niya sa ina.
"Nandiyan ang daddy mo hinihintay ka." Habol ni Julie sa anak bago tuluyan tumalikod.
Napabuntong hininga na lamang si Lynette mukhang naikuwento na ng ina ang tungkol sa problema niya. Napangiti si Lynette ng matanawan ang ama na prenteng nakaupo ito sa sofa habang may kausap sa telepono. Nilapitan niya ito para batiin tapos nagmamadali na siyang umakyat sa kanyang kuwarto kailangan niyang makausap ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomansaSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.