Chapter 26 part 2
Panay ang buntong hininga ni Xander, hindi niya alam kung paano haharapin si Lynette pagkatapos ng namagitan sa kanila.
"Lynette, can we talk?" May pag-aalinlangan sa tinig ni Xander. Ngayon niya napagtanto na binulag siya ng selos noon.
"Wala tayong dapat pag-usapan dahil ginusto ko rin naman ito." Malamig na tugon ni Lynette, pilit niyang pinatatag ang boses. Habang nakahiga siyang patalikod dito ay naisip niya na walang dapat sisihin sa nangyari kundi ang sarili. Kung sa simula pa lamang ay nanindigan na siya at hindi nagpadala sa kakaibang sensasyong pinadama nito ay wala sanang namagitan sa kanina.
Tumagilid sa pagkakahiga si Xander paharap sa direksiyon ni Lynette at niyakap niya ito ng buong higpit. Habang patuloy niyang sinasamyo ang buhok nito.
"I'm sorry.." Punung-puno ng pagsisisi ang tinig ni Xander. Pagsisisi sa mga taong sinayang niya at hinayaang mamahay ang poot sa kanyang dibdib...pagsisisi dahil sa sakit na idinulot niya sa isang babaeng pinakamamahal niya.
Mariing napapikit si Lynette at nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. Ito ang pinakamasakit na ginawa ni Xander sa kanya. Ang buong akala niya ang hinihingi nito ng kapatawaran ang tungkol sa nangyari sa kanila.
Naramdaman ni Xander ang pagyugyog ng balikat ni Lynette kaya bigla siyang naalarma. Marahan niyang pinihit ito para magkaharap sila. "Hush...please don't cry honey...Its killing me.." Buong pagmamahal niyang hinagod ang likod ang likod nito bago niya muling niyakap.
Nanatili sila ng ilang minuto sa ganung ayos hanggang sa unti-unting humupa ang emosyon ni Lynette. Marahan niyang itinulak sa dibdib si Xander para magkaroon sila ng pagitan. Pinuno muna ni Lynette ng hangin ang dibdib bago nagsalita. "Are you satisfied now? Nakuha mo na ang gusto mo sa akin."
"Lynette, ang laki ng kasalanan ko sa'yo I'm a jerk, an asshole, self-centered ....call me whatever you want but please don't treat me like this." Pagmamakaawa ni Xander, hindi niya kaya ang kalamigan ng pakikitungo nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.