Chapter 12 part 1
Kinabukasan ay hindi lumabas ng bahay si Lynette. Hanggang nagyon ay parang sasabog ang kanyang dibdib sa sama ng loob, sa loob ng walong taon ay narealize niya na patuloy pa rin pala niyang minamahal si Xander sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya. At ang nangyari kagabi ay ang naging wake-up call sa kanya na huwag ng umasa pa na muling magiging maayos ang relasyon nila ni Xander.
Napabuntong hininga si Lynette ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Ayaw sana niyang makipag-usap ngayon kahit kanino ngunit hindi niya matiis na hindi tanggapin ang tawag sa kabilang linya.
"Hello, good morning." Matamlay na bungad ni Lynette.
"Good morning sweetheart." Masigla ang boses ng lalaki sa kabilang linya.
Mariin na ipinikit ni Lynette ang mga mata pagkarinig sa boses ni Xander. Ito ang pinakahuling taong gusto niyang makausap.
"Anong kailangan mo?" Naiiritang tanong ni Lynette rito.
"I just want to remind you about my proposal."
"Damn you and your proposal! Wala na tayong dapat pang pag-usapan Mr. Almonte, don't worry aalis kami sa property mo as soon as possible." Mababakas sa boses ni Lynette ang desido na siya sa kanyang desisyon.
"Lynette, hindi mo kilala ang kinakalaban mo." May halong pananakot ang tono ng pananalita ni Xander.
"Yes you're right, hindi na nga kita kilala. I just realized that I've wasted my time waiting for you..."
"Waiting for me?" Natatawang tanong ni Xander. "Lynette, may kasalanan ka sa akin na dapat mong pagbayaran at simula na ito ng paniningil ko."
"What are you talking about?" Nakaramdam ng takot si Lynette sa tono ng pananalita ni Xander.
"Ask yourself, ikaw ang nakakaalam. Pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo dahil puwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan mo." Habang nagsasalita si Xander ay may kakaibang kirot siyang nararamdaman, hindi niya akalain na aabot sila sa ganitong punto ng nag-iisang babaeng minahal niya.
"Wala akong kasalanan sa'yo Xander! Kung may taong dapat sisihin dito ikaw yun!" Bago pa siya maghisterikal ay pinutol na niya ang usapan nila.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.