Chapter 32 part 1
Pagpapasok na pagkapasok ni Bernadette sa opisina ni Xander ay agad niyang ini-lock ang pinto. Hindi siya lalabas ng kuwartong iyun hangga't hindi niya nahahanap ang pakay. May pagmamadali ang bawat kilos niya, hinalungkat niya ang lahat ng mga files ngunit hindi niya makita ang hinahanap.
Sa labas naman ay hindi mapakali si Sandy, ang sabi ni Bernadette sa kanya ay ilalagay lamang nito ang envelope na naglalaman ng resulta ng DNA test ngunit ilang minute na ang lumipas ay hindi pa rin ito lumalabas. Alanganin siyang lumapit sa may pintuan at sinubukang pihitin ang seradura, napakunot ang kanyang noon g mapag-alamang naka-lock ito. Nagsisimula na siyang kabahan, ngayon niya napagtanto ang malaking pagkakamali—ang papasukin sa pribadong opisina ng kanyang boss nang hindi man lamang siya humingi ng pahintulot dito. Ang kabilin-bilinan pa naman sa kanya ni Xander na kung kinakailangan siyang tawagan ay huwag siyang mag-aatubili na gawin ito.
Malalakas na katok ang ginawa ni Sandy ngunit walang tugon siyang narinig. "Ma'am Bernadette!!!" Sinabayan na rin niya ng tawag.
"Anong problema Sandy?" Siya naman pagdating ni Riza ang isa sa mga taga HR department. May kipkip itong ilang files na kailangan ng approval ng kanilang boss.
"Nasa loob si ma'am Bernadette.." Natataranta niyang tugon ditto.
'Bernadette Tordera....yung es ni boss?" Nagtatakang muling tanong ni Riza.
Marahang tumango si Sandy, natutuliro na siya—hindi na niya alam ang gagawin.
"Paano siyang nakapasok diyan? Pinayagan mo?" Halos pandilatan ni Riza ang assistant ng kanilang boss dahil sa buong kumpanya ay alam nila ang reputasyon ni Bernadette magmula ng sinagot -sagot nito si Emerald Almonte.
"Ang sabi kasi niya ay ipapasok lang daw niya ang result ng DNA test kasi maghipit dawn a bilin ni sir Xander na silang dalawa lang ang puwedeng makaalam." Nalilitong paliwanag ni Sandy.
"Naman Sandy! Malaking kagagahan ang ginawa mo, dapat hindi ka agad naniwala sa bruhang iyan. Alam mo naman na ang daming confidential files ng kumpanya at baka dahil sag alit niya kay sir ay manabotahe siya." Palatak ni Riza, habang nag-iisip din kung paano matutulungan si Sandy.
"Anong gagawin ko?" Napasapo sa noo si Sandy, lalo siyang kinabahan.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.