Chapter 10 part 1
Sa malayo pa lamang ay tanaw na ni Xander ang mga magulang na masayang nakikipagkuwentuhan sa bisita nila. Nakatalikod sa direksiyon niya ang babae kaya wala itong kaalam alam na pinagmamasdan niya ito.
"Nandito pala ang anak mo, akala ko nagtransfer na siya sa pad niya?" Tiningnan ng makahulugan ni Dennis ang asawa na nakamata lamang sa papalapit na anak. " Xander, come here sumabay ka na sa amin." Anyaya ni Dennis.
Si Lynette naman ay halos hindi makagalaw sa kinauupuan. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil sa bilis ng pintig ng kanyang puso. Maliwanag ang usapan nila kanina ni Mrs. Almonte na hindi malalaman ni Xander ang pagbisita niya mansion.
"Hindi ko alam na may bisita pala kayo." Naisatinig ni Xander ng tuluyang makalapit sa mga ito at naupo pa sa mismong tabi ni Lynette.
"Anak, hindi mo naman siguro mamasamain ang pagdalaw ni Lynette? And I was the one who invited her." Mabilis na paliwanag ni Emer lalo ng mapansin niyang nawalan ng kibo ang dalaga.
"Don't worry mama, I don't mind kahit sino pa ang papuntahin ninyo dito. It's your house kayo ni papa ang may karapatan kung sino ang mga gusto niyong patuntungin sa mansion niyo." May halong parunggit ang pananalita ni Xander. Dahil ilang beses na niyang sinubukan na isama si Bernadette dito pero ganun na lang ang pagtutol ng mga ito lalo na ang kanyang ina.
"Tito, tita..thanks for the sumptuous breakfast hindi na po ako magtatagal." Naramdaman ni Lynette na may namumuong tensiyon sa mga ito kaya minabuti na lamang niyang magpaalam ng maayos.
"Pakisabi sa boyfriend mo hija pasensiya na ha. Inagaw namin yung time mo sa kanya." Maluwag ang pagkakangiting turan ni Emer.
"Basta sa wedding ninyo huwag mo kaming kakalimutan." Segunda naman ni Dennis.
Halos hindi maibuka ni Lynette ang kanyang bibig dahil naguguluhan siya sa pinagsasabi ng mag-asawa. Kakasabi pa lamang niya kanina sa mga ito na wala siyang boyfriend kaya hindi niya alam kung ano ang gusto nilang palabasin.
"Hindi mo pa nga nagagalaw ang pagkain mo aalis ka na." Nakasimangot na singit ni Xander.
"Hayaan mo na anak, baka hinihintay na siya ng boyfriend niya nakakahiya naman doon sa tao." Pagtatanggol ni Emer kay Lynette.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomansaSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.