Chapter 15 part 1
Halos paliparin ni Lynette ang minamanehong kotse pabalik sa opisina ni Trisha Mondragon. Habang nag-uusap sila ni Emer ay nakatanggap siya ng tawag dito, gusto daw siyang makausap nito ng personal. Panay ang paghingi niya ng paumanhin sa ginang dahil hindi na siya makakasalo sa pananghalian.
"Sana naman hindi nagbago ang isip niya." Bulong ni Lynette sa sarili habang papasok sa basement ng building kung saan naroroon ang opisina ni Trisha.
Nang bumungad siya sa opisina ni Trisha ay nginitian niya ang sekretaryang nito. "Hi, Miss Mondragon is expecting me."
"Yes ma'am, pasok na po kayo." Mabilis na pinagbuksan siya ng pinto.
Parang nalulon niya ang sariling dila ng makapasok sa opisina ni Trisha. Hindi niya inaasahan ang taong madaratnan niya.
"Miss Alcala, it's nice to see you again."
Nginitian lang ni Lynette ang abogado ni Xander bago tinanggap ang pakikipagkamay nito.
"Lynette, please sit down." Sabad naman ni Trisha.
"Kung hindi pa tapos ang meeting ninyo ni atty. Castro I'm willing to wait." Akmang tatalikod na si Lynette ng magsalita muli si Trisha.
"Lynette, kaya kita tinawagan dahil kay Atty. Castro." Parang nahihiyang simula ni Trisha.
Umupo si Lynette sa isa pang bakanteng silya na nasa tapat ng mesa ni Trisha. "Is it about your property?" Prangkang tanong ni Lynette kay Trisha.
Marahang tumango si Trisha. "Alam mo ba na hiyang hiya ako sa'yo kahit wala pa tayong pinirmahang kontrata ay may isa akong salita kaya lang..."
"Kaya lang dahil sa utos ni Xander Almonte." Sabay buntong hininga ni Lynette. Talagang sinasagad ng lalaking yun ang pasensiya niya.
"Dahil sa pinsan ko." Mabilis na tugon ni Trisha.
Napakunot ang noo ni Lynette naguguluhan siya sa tinatakbo ng usapan nila.
"Magkaibigan si Mr. Almonte at si Trevor ang pinsan ni Miss Mondragon." Pagpapaliwanag ni Atty. Castro.
Napatango si Lynette. "And right now he's using their friendship against to me."
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomansSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.