A.N.
Guys paalala lang SPG ang part na ito.
________________________
Chapter 26 part 1
Naiintriga si Lynette kung ano na ang nangyayari sa pakikipag-usap ng mga magulang kay Xander. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya ngayon at halos mapatalon siya sa kinauupuan ng makarinig ng mahihinang katok. Nagmamadali siyang tumayo para alamin kung sino ang nasa labas ng kuwarto.
"Mommy, tapos na po kayong mag-usap?" Mabilis na tanong ni Lynette sa ina ng mapagbuksan niya ito ng pinto.
"Hija, I'm tired ikaw na ang magbantay sa daddy mo at kay Xander." Hindi nito tinugon ang tanong ng anak, talagang inaantok na siya at wala ng enerhiya na makipagkwentuhan pa rito.
Muli pa sanang magsasalita si Lynette ngunit tinalikuran na ito ng ina. Napapailing na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang ina papasok sa silid nito. Mabilis siyang pumasok muli sa kanyang silid at agad na hinablot ang kanyang roba.
Nasa hagdan pa lamang siya ay naririnig na niya ang tinig ng kanyang ama ngunit hindi niya maintindihan kung ano man ang sinasabi nito sa kausap. Napakunot ang noo niya habang papalapit sa balkonahe kung saan naroroon ang ama at si Xander, mukhang pareho ng lasing ang mga ito.
"Daddy, tama na yan lasing na kayo." Pigil ni Lynette sa ama ng makita niyang iinumin na naman nito ang laman ng tangang kopita.
"Gising pa pala ang nobya mo Xander." Nakangiting baling ni Ramon sa kainuman.
Nang balingan ni Lynette si Xander ay pulang-pula na ang buong mukha nito at mapungay na rin ang mga mata dahil sa kalasingan. Bigla siyang namroblema dahil hindi naman niya ito puwedeng pauwiin ng ganun ang kalagayan.
"Anak, aakyat na ako ikaw na ang bahala dito kay Xander." Muntik ng matumba si Ramon ng tumayo ito mabuti na lang ay agad naalalayan ito ni Lynette.
"Dad, kaya mo ba?" May pag-aalalang inalalayan ni Lynette ang ama.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
Roman d'amourSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.