Chapter 38 part 1
Laking pasasalamat ni Bernadette dahil hindi na siya mahihirapan na makapsok sa village kung nasaan ang mansion ng mga Almonte. Nagkataon kasi na may nagging kaibigan siya na nakatira rin dito at hiniram niya ang kotse nito upang hindi na siya usisain ng mga security guards na naka-assign sa entrance gate.
Nakangisi siya habang papalapit sa mansion, sisiguruhin niya na kasusuklaman ni Emer ang manugang sa pagkakataong ito. Hawak niiya ang pinakamahalagang dokumento na siyang magpapabagsal kay Lynette.
"Sino ang nagpapasok sa babaeng iyan?!? Pagalit na tanong ni Emer sa namumutlang katulong na nakasunod kay Bernadette. Nakasalubong niya ang mga ito sa labas ng mansion; nakahanda na rin sana sila ni Lynette na umalis.
"Ma'am, hindi po naming napigilan ang pagpasok niya sinabayan niya po ang paglabas ng sasakyan ni sir Xander." Pagpapaliwanag ng security guard ng mansion.
"Alam kong kinasusuklaman mong makita ang pagmumukhang ito Mrs. Emerald Almonte." Taas noong turan ni Bernadette, kahit kalian ay hindi siya nagpakita ng pagkasindak sa ginang.
"Mabuti naman alam mo. Pagkatapos ng panlolokong ginawa mo sa anak ko ay may gana ka pang tumuntong sa pamamahay ko." Habang nagsasalita si Emer ay tinitingnan niya ito mula ulo hanggang paa. Gusto niyang iparating sa babae na kahit anong gawin nito ay hindi niya mapapatawad sa ginawa nitong kasalanan.
"So...galit pala kayo sa mga manloloko." Makahulugang tinapunan ng tingin ni Bernadette si Lynette na tahimik lamang na nakatayo sa tabi ni Emer.
"Mama, let's talk inside. I'm sure na may importanteng sasabihin si Bernadette dahil naglakas loob pa siyang pumunta rito." Inihanda ni Lynette ang sarili dahil parang alam na niya kung ano ang ibig ipakahulugan nito sa huling sinabi. Mukha talagang walang balak itong patahimikin siya at ngayon ay may panibagong gulo na naman itong dala. May pagdududang naramdaman si Lynette dahil may inuna pa nito ang pakikipagkita kay Emer kaysa sa kaligtasan ng anak.
"Yes you're right my dear friend this is very important." May diin ang bawat katagang binitiwan ni Bernadette.
"Kahit gaano pa iyan kaimportante, I don't have time for you. Hindi ko sasayangin ang oras ko kaya kung ako sa'yo umalis ka na." Pagtataboy ni Emer ditto.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.