Special Chapter

65.1K 1.2K 56
                                    

Napakunot ang noo ni Lynette ng pagdating niya ng bahay ay napakatahimik. Biglang nanibago siya sa katahimikang nadatnan, karaniwan na ay laging nakaabang sa kanya si Bryan at sabik na naghihintay sa kanya ngunit ngayong araw na ito ay kakaiba. 

"Baby, saan kaya ang kuya Bryan mo?" Kausap ni Lynette sa medyo maumbok na niyang tiyan. Naisip na lamang niya na baka nakatulog ang bata sa kahihintay sa kanya. Medyo napahaba ang meeting nila ng mga teachers niya at dagdag pa ang traffic na sinagupa niya bago siya nakauwi. 

Aakyat na sana siya sa kuwarto ni Bryan upang silipin ito ng makasalubong niya ang isa sa mga kasambahay. 

"Ma'am Lynette, hiniram po pala ni ma'am Emer si Bryan tapos si sir Xander po tumawag ang sabi hindi daw po siya makakauwi mamayang gabi." Pagbibigay impormasyon nito. 

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. Bakit hindi man lang siya tinawagan ng asawa para ipaalam ang schedule nito. Pati ang kanyang biyenan ay hindi rin nag-abalang ipagpaalam sa kanya ang bata. 

"Okay. Pakisabi na rin kay Meding na huwag na niya akong ipaghanda ng hapunan busog pa ako." Nawalan na siya ng ganang kumain ng malaman na mag-isa lamang siya. 

"Ay ma'am! Ako lang po ang naiwan dito. Isinama po sila kanina ni ma'am Emer at ang sabi po niya mamayang alas singko ay may susundo sa inyo." 

Biglang naguluhan si Lynette sa mga nangyayari. Kailangan niyang tawagan ang biyenan para alamin kung ano ang nangyayari at pati ang mga kasambahay nila ay hiniram nito. Hindi pa niya nailalabas sa kanyang handbag ang celphone ng tumunog ang telepono sa sala. 

"I'll get it." Mabilis na sabi ni Lynette ng kumilos ang katulong. 

"Oh Lynette, nandiyan ka na pala. Tamang tama papunta na ang driver diyan." Bungad ni Emer ng marinig ang boses ng manugang sa kabilang linya. 

"Mama, what's going on?" Naguguluhang tanong ni Lynette. Malapit na rin siyang mainis parang may nangyayari na hindi niya alam. 

"Basta mamaya ko na lang ipapaliwanag sa'yo." Nagmamadali ng nagpaalam sa telepono si Emer ng marinig na may tumatawag sa kanya. 

Nagkibit balikat na lamang si Lynette ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano baka makasama pa sa pinagbubuntis niya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon kaya masyado siyang nag-iingat ngayon. 

_______________

Papasok pa lamang ng mansion si Lynette ay agad na niyang nahulaan na may kasiyahang nagaganap sa loob. Halos mapuno ng mga magagarang sasakyan ang harap ng mansion, ngayon niya napagtanto kung bakit hiniram ng biyenan ang kanyang mga kasambahay. 

"Manong, ang dami yatang bisita ni mama. Anong okasyon ba?" Turan niya sa dirver. 

Tiningnan muna siya ng makahulugan nito bago sumagot. "Pasensiya na po ma'am, wala po akong karapatan na magsabi sa inyo." Magalang nitong pahayag. 

Napatango na lamang si Lynette. Naisip niya na baka ang habilin ng mga biyenan dito na ang pagmamaneho lamang ang intindihin nito at huwag makialam sa mga personal nila. 

Nang tuluyang makababa ng sasakyan ay nakita niya si Mrs. Monteverde, alam niyang matalik na kaibigan ito ng tita Emily ni Xander ang nakatatandang kapatid ng biyenan. Bihis na bihis ito at mukhang may party na dadaluhan. Nang mapalingon sa gawi niya ang ginang ay matamis siyang nginitian nito. 

"Good afternoon po ma'am." Magalang niyang bati rito. 

"Call me tita Althea. Alam mo bang inaanak ko ang iyong asawa? Kaya parang pangalawang magulang na rin ninyo ako." Lumapit si Althea kay Lynette upang makipagbeso-beso. "Kanina ka pa namin hinihintay, ng tumawag ang mama Emer mo sa STA ang sabi kakaalis mo lang, nag-alala kami na baka gabihin ka." Makahulugang turan ni Althea. 

Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon