Chapter 34 part 2
Namumula sa galit si Bernadette ng makaalis ang mga bisitang imbestigador, ayon sa mga ito ay isa siya sa mga pinaghihinalaan na may kinalaman sa pagkakasunog ng eskwelahan ni Lynette.
"Talagang inuubos ng mga Almonte na ito ang pasensiya ko." Tiim bagang na bulong niya. Agad niyang dinampot ang telepono para makausap ang matapat niyang tauhan.
"Gardo, itutuloy na natin ang plano. Siguraduhin mo na bukas ng gabi ay magagawa na ninyo ng mga tauhan mo ang gusto kong mangyari." Buo at puno ng kumpiyansang turan niya rito.
"Yes maam, go signal lang naman ninyo ang hinihintay naming." Nakangising tugon ni Gardo habang panay ang buga ng usok ng sigarilyo.
"That's good then... pero tiyakin lang ninyo na maayos ang trabaho niyo at hindi madadawit ang pangalan ko dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin Gardo." Pagbibigay ng babala ni Bernadette sa kausap sa kabilang linya.
"Ma'am, huwag po kayong mag-alala malinis kaming magtrabaho basta tumupad din kayo sa usapan natin." Pagpapaalala rin ni Gardo.
"Wala tayong dapat pag-usapan pagdating sa pera, nakahanda na ang ibabayad ko sa inyo. Tandaan ninyo kalahating milyon ang hinihingi mo kaya dapat masatisfy ako sa trabaho ninyo."
"Bukas ng gabi ma'am isasagawa na namin ang plano pero kailangan mong magbigay ng fifty percent downpayment." Hindi makapapayag si Gardo na maagrabyado ng babaeng kausap.
"What?! Fifty percent downpayment?!" Nanlalaki ang mga matang turan ni Bernadette. Nakaramdam siya ng pagkayamot sa kausap.
"Yes ma'am, paano kami makakakilos kung wala kaming budget?"
"At paano naman ako makakasiguro na hindi niyo ako lolokohin?" Prangkang tanong ni Bernadette.
Napahalakhak si Gardo. "Katulad ng lagi ninyong pinapaalala sa akin tungkol sa mga bagay na kaya ninyong gawin, may isang salita ako at wala pa akong kliyente na niloko. Pagdating naman sa trabaho ay hindi pa ako pumalpak." Pagmamayabang niya.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.