Chapter 20 part 2
Nagulat si Lynette ng mabungaran niya si Ella sa dining room, kasabay nitong nag-aalmusal ang mga magulang at mga kapatid.
"Anak, nauna na kaming mag-almusal alam naman namin na napuyat ka kagabi." Masiglang bati ni Julie bago nito tinawag ang katulong para ipaghanda ng plato ang anak.
"It's okay mommy...Ella, mabuti napadalaw ka?" Nginitian niya ang dalagang Almonte bago umupo sa tabi nito.
"May itatanong kasi ako sa'yo ate." Maikling tugon ni Ella at ipinagpatuloy nito ang pagkain. Hindi ito ang tamang pagkakataon para pag-usapan ang bagay na nais niyang malaman.
"Sana tinawagan mo na lang ako, ang aga mo pang nagbiyahe." May pag-aalala ang boses ni Lynette, pero napag-isip niya na mukhang napakaimportante ng itatanong nito dahil talagang sinadya pa siya sa bahay.
"Actually, ate halos magkasunod lang kayong dumating kagabi ni Miss Almonte." Singit ni Justine sa usapan.
"Huh?" Lalong nagulat si Lynette. "Ella, delikado ang ginawa mo." Panenermon niya rito, kahit kapatid ito ng lalaking kinaiinisan niya ngayon ay hindi niya maiiwasan na mag-alala dahil naging malapit rin naman sila noon sa isa't isa at parang isang kapatid na rin ang turing niya rito.
"Safe naman akong nakarating dito ate, hindi na rin kita pinagising kagabi kasi sabi ni tita Julie marami ka raw inaasikaso ngayon sa STA." Tipid niyang nginitian ito, paano ba naman siyang magagalit kay Lynette kung ganitong pagtrato ang natatanggap niya hindi lamang dito pati na rin sa pamilya nito.
"Parang napakaimportante ng itatanong mo kasi kahit gabi ay bumiyahe ka pa." Nasisiguro ni Lynette na may kinalaman sa kanila ni Xander ang sadya nito, lihim siyang napausal ng dasal na sana hindi nito nalaman ang mga kondisyon na binitawan niya kay Xander.
Sa tingin ni Lynette ay wala ng magaganap na kasalan dahil mula ng huli silang mag-usap ni Xander ay hindi na siya nakarinig ng kahit na ano rito. Alam niya na napakahirap ng hinihingi niyang kapalit ngunit ito lang ang paraan niya para makaganti kay Bernadette. Ang tanging konsolasyon niya ay hindi nangungulit ang mga magulang tungkol sa nangyayari bagkus ay nirerespeto ng mga ito ang pananahimik niya.
Nang matapos silang mag-almusal ay agad na niyaya ni Lynette sa may balkonahe si Ella para pag-usapan nila ang sadya nito. "Ella, ano iyung itatanong mo?" Walang paligoy-ligoy na tanong niya ng magkaharap na silang nakaupo sa garden chair.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.