Chapter 1 part 1
"Good morning!" masiglang bungad ni Lynette sa dining room. Mabilis siyang humalik sa pisngi ng mga magulang.
"Morning ate.." nakangiting tugon ni Justine ang nakababata niyang kapatid. "Mukhang napanaginipan mo ang prince charming mo ah." Pang-aasar nito sa kapatid.
"Justine! Ang aga-aga para diyan." saway ng mommy nila.
Nakangising binalingan ni Lynette ang kapatid bago umupo sa tabi nito. Ang mommy nila ang lagi niyang kakampi tuwing nagkakaasaran silang magkapatid.
"Anak, kumusta ang school mo?" pag-iiba sa usapan ni Mrs. Alcala.
"Mommy, halos double ang enrollees namin this school year, unti unti ng nakikilala ang St. Thomas Academy." Masayang balita ni Lynette.
Pagkagraduate niya ng college ay kumuha siya ng units sa education dahil ito naman talaga ang gusto niya simula pa lamang kaya lang siya kumuha ng business ad para sundin ang gusto ng daddy niya. Pag-aaral ang inatupag niya ng mga panahon na nasasaktan siya bunga ng batang pag-ibig.
"Lynette, ngayong maganda na ang takbo ng STA pwedeng pwede ka ng magkaboyfriend ulit." Seryosong pahayag ng daddy niya.
"Dad! Bakit ba noong isang lingo ninyo pa ako pinagtutulakang magkaboyfriend?" protesta ni Lynette.
"Anak, nag-aalala lang ang daddy mo mula ng maghiwalay kayo ni Xander hindi ka na ulit nagkaboyfriend, baka tumandang dalaga ka." Pagpapaliwanag ng ginang.
"Mommy, wala namang kinalaman yung nangyari sa amin ni Xander noon, personal na desisyon ko na mag focus muna sa STA."
"Ate, gusto mo ipakilala kita sa cousin ng friend ko?" sabad ni Justine.
"Sis, kumain ka na lang, kasi baka ma late ka at masesante na naman." Pinandilatan niya ito. Kabaligtaran silang magkapatid dahil kung siya ay sobrang dedicated sa trabaho ito naman ay parang naglalaro lamang.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomansaSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.