Chapter 15 part 2

38.9K 1K 40
                                    

Chapter 15 part 2

Nagngingitngit ang kalooban ni Lynette habang nakaupo sa marangyang sala ng mga Almonte. Talagang sinasagad ni Xander ang pasensiya niya kaya bibigyan niya ito ng leksiyon.  Naputol ang pag-iisip niya ng biglang may tumikhim sa bandang likuran. 




"Gusto mo daw akong makausap?" Walang kangiti-ngiting bungad ni Xander ngunit titig na titig siya sa magandang mukha ni Lynette. 





"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?!" Pasigaw na turan ni Lynette. "Ayaw mo akong bigyan ng extension ngayon namang nakakita ako ng malilipatan namin hinadlangan mo naman." Pulang pula na sa galit si Lynette. 





"Calm down Lynette." Nakangising sabi ni Xander bago naupo sa pang-isahang sofa sa tapat mismo ng dalaga. Natutuwa siya sa nakikitang reaksiyon ni Lynette. 





"Calm down? Kung ikaw ang nasa katayuan ko magagawa mo ba? We're talking about the future of hundredths of students. Kung ikaw wala kang pakialam sa mga taong nakapaligid sa'yo huwag mo akong ihalintulad sa sarili mo." 





"I gave you an option at desisyon mo na lang ang hinihintay." 





Napapailing si Lynette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ang dating malambing at mapagmahal na lalaki ay naging ganito katigas ang puso. 





"You're impossible Xander!" Padabog na tumayo siya sa kinatatayuan. 





"Live with me... wala ka ng magiging problema, ililipat ko pa sa pangalan mo ang property na kinatatayuan ng STA." Pangungumbinsi na naman ni Xander. Ngunit biglang naging mabalasik na naman ang pananalita niya ng biglang may naalala. "Sinabihan na kita na ayaw kong nakikipagkita ka pa sa Albert na yun." 





Natigilan si Lynette sa huling sinabi ni Xander ngunit agad din siyang nakabawi ng marealize niya kung ano ang ibig sabihin nito. "Wala kang karapatang diktahan ako." 

Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon