Chapter 34 part 1

38.4K 901 29
                                    

Chapter 34 part 1


Nang mga sumunod na araw ay naging busy ang lahat sa pag-aasikaso sa imbestigasyon tungkol sa naganap na sunog. Laking pasasalamat ni Lynette kay Trisha Mondragon dahil hindi ito nag-atubiling iparenta sa kanya ang property nito na katapat lamang ng STA. Ngayon niya napatunayan na talagang malaki ang nagagawa ng pera dahil agad-agad na naisaayos ni Xander ang magiging temporary classrooms ng mga bata.




"Ma'am Lynette, ready na po ang breakfast. Gusto po ba ninyo na dalhin ko na lang dito sa balkonahe?" Magalang na bungad ng katulong nila.




"Sa dining room na lang kami kakain ng sir Xander mo. Katatawag lang niya—dito daw siya mag-aalmusal." Tipid na nginitian ito ni Lynette




"Ma'am masama po ba ang pakiramdam ninyo?" Nag-aalalang nilapitan nito ang amo. Napansin niya na namumutla ito.




"Ilang araw ko ng nararamdaman ang pagkahilo pero agad din namang nawawala." Napahawak sa noo si Lynette, ang pakiramdam niya ay umiikot ang lahat ng nasa paligid niya.




"Naku ma'am, masyado lang kayong stress dahil sa mga nangyari dapat po magpahinga muna kayo kahit ilang araw lang."




"Hindi ako puwedeng magpahinga ngayon Lilay, kailangan ko munang isaayos ang lahat ng mg pangangailangan ng eskwelahan." Paliwanag ni Lynette dito.




"Baka naman po kung ano ang mangyari sa inyo...lalong mag-aalala sina sir Ramon at ma'am Julie." Pangungulit ni Lilay.




"Sige na ayusin mo na ang dining room, parating na ang sir Xander mo." Pagtataboy ni Lynette rito, lalong sumasakit ang ulo niya sa kakulitan nito.




Hindi pa nagtatagal ng makaalis ang katulong ng makarinig ng ugong ng sasakyan si Lynette. Nasisiguro niyang si Xander na ang dumating.




"Good morning sweetheart" Nakangiting bungad ni Xander sa asawa at ng makalapit siya sa kinauupuan nito ay ginawaran niya ng banayad na halik sa mga labi. Kung wala lamang silang problema ay gugustuhin niyang lagi siyang nasa tabi nito.




"Bakit hindi mo ako ginising kanina? Di ba may usapan na tayo kagabi?" Nakasimangot na salubong ni Lynette. Nainis siya kanina ng pagkagising niya ay wala na ito sa kanyang tabi.

Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon