Chapter 39 part 2
Namumula sa galit si Xander ng malaman niya kung sino ang taong nasa likod ng pagkasunog ng eskwelahan ng asawa. Mula noon ay talagang hangarin na nito na sirain si Lynette ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya palalampasin ang kawalang hiyaan ni Albert. Nang dahil sa lalaking ito ay muntik ng mawala sa kanya si Lynette ang nag-iisang babaeng minahal niya ng husto.
"Bahala na ang abogado namin ang mag-aasikaso tungkol dito." Malumanay na pahayag ni Dennis sa mga pulis na kasalukuyang humahawak sa kaso ni Albert.
"No, Papa I wanna talk to that bastard!" Nakakuyom ang mga kamao ni Xander sa sobrang galit. Buo na ang kanyang pasya na hindi siya uuwi hangga't hindi sila nagkakaharap ni Albert.
Naiiling na napabuntonghininga si Dennis. "Xander, hayaan mo na ang batas ang humatol sa kanya. Wala na ring saysay kung makikipag-usap ka pa sa lalaking iyun, we'll handle this problem legally. I understand your feeling kahit naman ako ang nasa kalagayan mo ay hindi ko hahayaang may manakit sa mama mo emotionally or physically pero hindi natin dapat pairalin ang galit sa sitwasyong ito." Pagpapakalma ni Dennis sa anak.
"Papa, umuwi na kayo kami na ni Atty. Mendoza ang bahala rito." Pagmamatigas ni Xander.
"Xander..." Tila naiinis na si Dennis sa anak dahil ang hirap nitong pagpaliwanagan. Walang lingon likod na nilisan niya ang presinto, hahayaan na muna niya ito sa gustong mangyari.
Pagkapasok na pagkapasok ni Dennis sa kanyang kotse ay agad na inabot ng driver niya ang kanyang cellphone. Sadya niyang iniwan sa sasakyan ang telepono upang hindi siya maistorbo ng kung anong tawag.
"Sir, kanina pa po nagbavibrate ang phone ninyo." Magalang na turan ni mang Delfin bago nito pinaandar ang makina ng sasakyan.
Agad naming inabot ito ni Dennis at napakunot ang noo niya ng makitang halos naka twelve missed calls na si Ella. Walang pagdadalawang isip na nagreturn call siya rito, naisip niya na baka may mahalagang sasabihin ito tungkol sa bagong project ng kumpanya na ang anak ang namamahala. Nakakaisang ring pa lang ay agad ng may sumagot sa kabilang linya.
"Papa, where are you? Kanina pa ako tumatawag sa inyo ni kuya Xander." Medyo lumuwag ang pakiramdam ni Ella ng makausap ang ama. Kanina pa siya nag-aalala sa sitwasyon ng ina dahil mula ng malaman nito ang tungkol sa nangyari kay Lynette at sa baby nito ay wala ng tigil sa kaiiyak at halos hindi na rin niya makausap ng maayos.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.