Chapter 6 part 1
Nakatanggap ng tawag si Lynette mula kay Atty. Castro, ayon dito ay gusto daw nitong makipag-usap sa kanya ng personal. Kaya naman ngayon ay abot-abot na naman ang kabang nararamdaman. Habang hinihintay ang abogado ay naisipan niyang tawagan muna ang kaibigan para kahit papano ay malibang siya.
"Lynette, I'm about to call you naunahan mo lang ako." Tuwang tuwang bungad ni Annie sa kabilang linya.
"Bakit? May problema ba?"
"Alam mo ikaw puro problema na lang yang iniisip mo. Nakachat ko si Ella at napagkasunduan namin na magdinner naman tayong tatlo kung okay lang sayo."
"Walang problema sa akin, basta free ang schedule ko."
"That's great! Are you available this coming Saturday?"
"I think yes...nandito na rin naman si Justine kaya maluwag na ang schedule ko sa gabi." Laking pasasalamat talaga niya ng bumalik na ang kapatid dahil ang ibig sabihin nito ay hindi na niya kailangan pumasok as call center agent. Makakapag focus na rin siya sa kinakaharap na problema.
"Marami kaming napag-usapan ni Ella tungkol kay Xander..." Tinitimbang ni Annie kung ano ang magiging reaksiyon ng kaibigan.
"Ano ang nalaman mo?" Malumanay na tanong ni Lynette pero ang kabog ng kanyang dibdib ay lalong bumilis pagkarinig lamang sa pangalan ni Xander.
"Ikukuwento na lang namin sa Saturday para sure na darating ka." Mabilis ng nagpaalam si Annie sa kaibigan.
Napapailing na lamang si Lynette ng maibaba ang telepono. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kaibigan.
"Excuse me ma'am, nandito na po si Atty. Castro." Magalang na imporma ng isa mga teachers niya.
"Papasukin mo na siya." Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Lynette bago umayos ng pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomantikSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.