Chapter 3 part 2
Pigil ang hininga ni Lynette habang papasok sa conference room. Ngayon lang niya makakaharap ang may-ari ng lupang nirerentahan nila, umaasa siya na madadaan sa pakiusap ito.
"Good afternoon." Bungad ni Lynette at inihanda niya ang matamis na ngiti sa mga bisita. Ngunit nanlaki ang mga mata niya ng makita ang babaeng kasama ni Atty. Castro.
"Hi, ate Lynette!" Mabilis na lumapit si Ella at nakipagbeso beso kay Lynette. "It's been a long time ate. Kunusta ka na?" Sabay sipat niya sa kabuuan ni Lynette.
"Hindi ko alam na kayo pala ang may ari nito." Ang tanging nasabi ni Lynette. Hindi siya makapaniwala na kaharap niya ngayon ang nag-iisang kapatid ng tanging lalaking minahal niya.
Tahimik lamang na pinapanood sila nina Mrs. Valdez at Atty. Castro, hindi nila akalain na magkakilala pala ang dalawa.
"Ako rin kahapon ko lang nalaman na sa'yo pala ang STA." Nakangiting tugon no Ella bago bumalik sa kinauupuan. "Ate, lalo kang gumanda. I'm sure if kuya Xander will see you again..."
"Ella, I don't want to offend you but much better if we wont include your brother with our conversation." Nagpapaunawang pahayag ni Lynette. Ayaw niya itong masaktan dahil itinuring din niyang parang isang tunay na kapatid ito pero magmula ng maghiwalay sila ng kanyang kuya ay iniwasan na niya ang lahat na may kaugnayan dito.
Tumango si Ella, hindi niya masisisi si Lynette kung hanggang ngayon ay may galit pa rin itong nararamdaman sa kanyang kuya.
"So... Can we proceed with our agenda?" Tanong ni Atty. Castro kay Ella.
Nagkatinginan naman sina Lynette at Mrs. Valdez. May kaba pa ring nararamdaman si Lynette pero nagkaroon siya na malaking pag-asa dahil kay Ella.
"Ate, I hate to do this kaya lang napag-utusan lang din naman ako." Simula ni Ella.
"Ang hihingin ko lang sana sa inyo na pagbiyan ninyo kami na matapos ang school year na ito habang naghahanap din ako ng malilipatan." May himig ng pakiusap sa boses ni Lynette.
"Ms. Alcala, we can only give you six months to settle everything but if STA has the capacity to acquire this property we can start the legal documents as soon as possible." Singit ni Atty. Castro. Kahit gusto niyang pagbigyan ang dalaga ay hindi niya magagawa dahil sumusunod lamang siya sa mga instructions ng amo.
"Attorney, please I want to talk to ate Lynette in private. Kaya ako nandito para ayusin ito." Nakasimangot si Ella dahil hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ng abogado.
Agad naman nakuha nina Atty. Castro at Mrs. Valdez ang ibig sabihin ni Ella. Lumabas silang dalawa sa conference room para hayaan ang dalawang makapag-usap.
"Ate, I want to help you."
"Thanks Ella, sana pagbigyan mo yung request ko na tatapusin lang namin itong school na ito then we will vacate this place." Patuloy na pakiusap ni Lynette.
"Kakausapin ko ang papa at mama tungkol dito. Sasabihin ko sa kanila na ikaw ang may-ari ng STA and I'm pretty sure baka idonate na lang nila ang property na ito." Masiglang tugon ni Ella.
"Puwede bang huwag mong sabihin sa mga parents mo na ako ang may-ari ng STA?"
Napakunot ang noo ni Ella. "Bakit? Para sa akin mas makakabuti na malaman nila para sila na mismo ang kakausap kay kuya."
Ngayon naging malinaw ang lahat kay Lynette na si Xander pala ang may gustong magpaalis sa kanila. "Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kuya mo. Bakit hanggang ngayon sinasaktan niya ako?" Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Ate, believe me hindi alam ni kuya na may kaugnayan ka sa STA. Tanging si Atty. Castro ang pinagkatiwalaan niyang mamahala dito. Gusto mo ba tawagan ko siya ngayon? Sasabihin ko sa kanya na ibigay na lang itong property sa'yo para kahit papano ay makabawi siya sa ginawa niya."
"No! Ayoko ng makausap pa ang kuya mo. Yun lang naman ang hinihingi ko 11 months of extension then we'll transfer."
"Okay, I'll try my best to convince him. Pero kapag hindi siya pumayag may second option ako, don't worry at tutulungan kita. Gagawin ko ngayon ang hindi ko nagawa noon." Natutuwa talaga si Ella dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makaharap ang dating nobya ng kapatid.
Medyo gumaan ang pakiramdam ni Lynette sa mga binitawang salita ni Ella. Ang tanging dalangin na lang niya ngayon ay pumayag si Xander na hayaan silang mag stay doon ng 11 buwan.
Pagkatapos ng usapan na yun ay wala ng tigil si Ella sa pangungumusta sa kanya. Niyayaya pa nga siya nito na mamasyal, ipinaliwanag niyang mabuti dito na kailangan pa niyang pumasok sa call center ngayong hapon bilang reliever ng kapatid na nasa bakasyon.
"I'll see you again ate Lynette." Sabay yakap ni Ella kay Lynette bago sumakay ng kotse nito.
Matagal ng nakaalis sina Ella pero nanatili pa ring nakatayo si Lynette sa parking area dahil mula doon ay tanaw na tanaw niya ang buong STA.
"Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kilala mo pala ang mga Almonte. I'm sure na pagbibigyan ka nila dahil napakaliit na bagay lamang nitong lupang ito kumpara sa mga iba nilang ari-arian." Turan ni Mrs.Valdez na nakatayo sa tabi ni Lynette.
"Hindi pa rin po tayo nakakasiguro dahil si Alexander Almonte na ang namamahala sa mga negosyo nila." Mahinang usal ni Lynette.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.